Rex POV Pagdating ng hapon naisipan ko pang sunduin si Nena sa paaralan pero tinawag ako ni lolo Alberto may naghahanap daw sa'kin. Maliban kina Hugo at David wala na akong naisip na may maghahanap pa dahil wala naman akong kakilala dito. Paglabas ko si Janelle pala ang naghihintay sa loob ng pahilutan. "Hi Rex" bati niya ewan ko lang kung galing ba ito sa paaralan hindi kasi ito naka uniporme. "oh Janelle anong ginagawa mo rito?" kunot noo ko siyang binalingan ng tingin. "Rex magpapahilot sana ako sa'yo manghihilot ka pala dito" hinawakan niya pa ako sa braso napangiwi na lang ako sa kanyang inasal,napaka touchy pa naman ng babaing ito. "bakit nabalian ka ba?" walang emosyon kung tanong sa kanya habang panay pa rin ang haplos niya. "oo nadulas kasi ako kagabi sa banyo,nag absent n

