FLYNN "Patay na siya" rinig ko mula kay inday "Hindi totoo yan hindi pa patay ang asawa ko" nanginginig pa ako habang hawak ko ang phone ko."Ha? Wait ma'am iba ang tinutukoy kong patay na yung pinapanood ko dito nakakaiyak namatay yung bidang babae" paglilinaw niya "may sakit kasi jusko hirap ako maka move on nito" Gusto ko siyang sigawan ngayon dahil sobrang pinagalala niya ako akala ko nawala na sa akin tuluyan ang asawa ko. "Kawawa naman si pogi wala talagang forever kahit sa movie" dagdag niya "Inday" galit na sigaw ko "Mahabagin diyos, ma'am kailangan sumigaw? Hindi naman ako bingi naririnig ko kayo" aniya kung nasa harapan ko lang siya nakatanggap na siya ng kutus sa akin "Inday pwede ka ng magpahinga muna ako na lang magbabantay kay sir cullen mo" napakunot ang noo ko nang m

