Halos gusto kong sabunutan ang buhok ko dahil sa sobrang pagkapahiya ko sa kanya. Habang nasa biyahe kasi ay kusang bumalik ang alaala ko sa nangyari sa kagabi at malinaw pa sa sikat ng araw ngayon ang mga salitang sinabi ko sa kanya. He is really telling the truth! Shit talaga! Habang nasa sasakyan kami patungo sa Santa Monica Pier ay sinikap kong i-focus lang ang mata ko sa bintana. Ayokong tumingin sa harapan dahil sigurado akong makikita ko sa rear view mirror si Kean na taimtim na nakatitig sa akin. My gosh, this can’t be happening! Contrary to the silence last night, ngayong umaga habang nasa byahe kami ay aligaga at excited ang lahat. Akala mo ay hindi napagod sa mga ginawa kahapon at bumalik nanaman ang mga energy nila ngayon. Our trip is almost at its end. Last day na namin bu

