Warning: SPG Crazy Maaga ulit akong nagsuka. Iyon na naman ang gumising sa akin at para na namang hinuhukay ang aking tiyan. Nagising ko rin si Isaiah dahil doon. Kami nang dalawa ngayon ang narito sa countertop habang ipinagtitimpla niya ako ng mainit na gatas. Tinitigan ko ang kanyang ginagawa. I am wearing his thick jacket habang nakapangalumbaba roon sa stool. "Do you want coffee?" tanong ko pagkatapos niyang itinulak sa aking gawi ang baso ng gatas. "Your own version of Espresso?" May pang-aasar ang boses na iyon kaya naningkit agad ang aking mga mata sa kanya. "My coffee tastes like hell. Natikman ko," sabi ko sa dismayadong boses. Humilig narin siya sa counter at inilebel ang gwapong mukha sa akin. He got this smug on his face na nagpasimangot lalo sa akin. "I always like i

