ISAIAH JACE SILVESTRE’S UNTOLD PART Hinaplos ni Lola ang aking balikat habang tinititigan ko ang lapida ni Mama. Nanlalabo ang aking mga mata kahit na sinisikap kong walang malaglag na luha ay nabigo parin ako. Akala ko ang kawalan na ang ama ang pinakamasakit sa lahat ng bagay. Iyon ang akala ko pero mali pala. She got shot in her chest. Alam ko iyon dahil narinig ko ang doktor. Pero iba ang sinabi ni Lola sa akin, iba ang sinabi nila sa akin. My mother got killed... "Isaiah..." Hinaplos muli ni Lola ang aking likod nang maramdaman niyang nanginig na ako. Bakit pinatay si Mama? Anong kasalanan niya? Mahapdi na ang aking mga tuhod sa pagluhod pero wala akong pakialam. Kung pwede ay dito nalang ako buong araw ay gagawin ko. "Tara na... Uulan na..." ani Lola, garalgal narin ang boses.

