Sad Sumasakit ang ulo ko sa iritasyon kay Isaiah. Hindi na ako muling lumapit pa sa table nila at nanatili nalang sa counter. Kung sinasadya niya man iyong landiin sa mismong Cafe ko pa talaga ay gusto ko na silang itulak palabas. Is he making me jealous? At bakit? Para gantihan ako sa ginawa ko sa kanya noon? Gusto niyang ipamukha sa akin na masaya siya at marami siyang babaeng makukuha kahit na itinulak ko siya? He didn't know my reason! Ginawa ko iyon para sa kanya. I made some white lies just to pushed him away. Pero naisip ko rin kung ano ang naging epekto noon sa kanya. I can't judge his pain. Nasaktan nga ako sa ginawa ko ano pa kaya na siya eh sinaktan ko siya ng husto? Hindi ko nalang masyadong binigdeal ang kanyang pinaggagawa araw araw sa aking cafe. Nagdadala siya ng bab

