Chapter 10

3035 Words
SAKAY ang specialized tour cart, nagsimulang pasyalan ng pamilya Mortiz ang buong sanctuary. Bilang VIP guests, mayroon silang karapatan mamili kung gagamit ba sila ng tour cart para mamasyal ayon sa gusto nila, o kaya naman ay ang sumabay sa tour bus kasama ang ibang guests sa bawat designated location. At dahil sa iyon ang unang beses nilang lumabas bilang isang pamilya, pinili ni Claudette na kumuha ng sarili nilang tour cart na may apat na upuan. Ang driver na nasa unahan, samantalang katabi nito si Caloy na kanilang guide. Sa likod naman ay nakaupo sina Claudette at Raphael samantalang salitan silang dalawa sa pagkandong sa anak nilang si Claudio. Kaaandar pa lang ng cart ay hindi na agad mapakali si Claudio sa pagkakaupo sa kandungan ng ama. Halos magkandabali-bali na ang leeg niya katitingin sa paligid. Kung hindi pa siguro sa mahigpit na pagkakahawak sa kanya ni Raphael ay baka nahulog na ito kanina pa. “Ang pinakamalapit po na vivarium ay ang aviary. By level po kasi ang pagkakaayos ng bawat vivarium dito sa sanctuary. Unang layer o ’yon pong pinakamalapit sa entrance ay ang iba’t ibang aviary. Sa pinakagitna po which is iyang building sa unahan natin ay ang butterfly conservatory. Puwede po kayong mag-stay sa loob para kumain ng meryenda,” nakangiting paliwanag ni Caloy. Dahil alam naman niya na si Claudio lang naman ang dahilan ng pagpunta nila sa sanctuary, kay Claudio lang din nakatingin si Caloy na parang ito ang kausap niya. “O kaya naman sa kaliwang side muna tayo since maaga pa naman para magmerienda. Sa left side iyong mga free-flying birds katulad ng Philippine Eagle dahil nga mas maganda pa rin na may kalayaan silang nararamdaman as a free bird. Don’t worry, marunong naman silang bumalik dahil naturuan. Plus we also put some tracking devices on their feathers in case na maligaw man sila, we can still track them down. Sa right side naman ang aviary para sa mga ibon na mas mahirap amuhin kaya nasa enclosed silang tirahan. Katulad na lang ng bats at flying squirrel.” Hindi na muna ulit nagsalita si Caloy at hinintay ang desisyon ni Claudio. Samantalang napatingin naman si Claudio sa ina para humingi ng tulong dahil mukhang nahirapan itong pumili. “Let’s go first to the left side,” nakangiting sagot naman ni Claudette sa anak. Malawak na ngumiti si Claudio at mabilis na hinalikan sa pisngi ang ina bago excited na hinarap si Caloy. “To the left side!” Claudio excitedly commanded. Nakangiti na tumango muna si Caloy bago napatingin sa driver na agad namang nakuha at nagmaneho na papunta sa kaliwang banda. Hindi mabagal ang pagpapatakbo nito sa cart, pero hindi rin mabilis iyon. Sapat na para mas matingnan ng mabuti ang mga dinaraanan nila. “By the way, let me remind you first. We need to run a whole round from the place before we will let you take a pic, or touch any animals for ten minutes. Tapos ay kailangan na po nating lumipat sa susunod na stop para po magawa niyo pa ring libutin ang buong sulok ng sanctuary. Mamaya pong quarter to three ay babalik po tayo malapit sa entrance para sa one hour break niyo. Either kakain po kayo sa mga nakabukas na stall o mamimili ng souvenir. After the one hour break, tsaka lang po namin kayo susunduin.” Napatango si Claudette sa narinig. Tinanghali na rin naman kasi sila ng pumunta kaya ang walong oras dapat nilang pagliliwaliw ay naging limang oras na lang. Alas syete kasi ang pagsasara ng sanctuary sa publiko. Pero mas okay na rin naman iyon. Sapat na rin siguro ang limang oras para mag-enjoy ang anak nila. Paniguradong hindi rin tatagal at makakaramdam din ng pagod si Claudio kinalaunan. Halos magdamag din na nasa labas ang anak. So Claudette did not stop her son from being active and just followed behind as she watched Claudio enjoy the trip. Naroon din naman si Raphael para tulungan siya sa pagbabantay sa anak. Isa pa, matutuwa din naman si Claudette na panoorin ang mag-ama na magkatuwaan. “Would you like to take pictures, ma’am? We can also provide cameras. Then you can choose from the photos you want to develop into a photo to put in a frame,” nakangiting bati sa kanya ni Caloy. Napatingin ulit si Claudette sa mag-ama na nasa loob na ng lion den kasama ng ilang animal caretakers. Gustong hawakan ni Claudio ang mane ng leon, pero dahil natatakot ito ay halos idikit na niya ang sarili kay Raphael. In the end, Raphael tried touching the lion’s mane in order to show his son that the lion would not bite him. Seeing the father having his time petting the lion, Claudio excitedly yet carefully touches the mane. At nang makitang walang naging reaksyon ang leon ay tsaka lang hinimas ni Claudio ang malambot na kiling ng leon. “Uwah! It’s so fluffy and soft!” Claudio exclaimed, giddily patting the ferocious lion’s mane. “Don’t pat it too hard or it’ll get mad,” suway ni Raphael ng makita na nanggigigil na ang anak. “But it’s so soft, it felt so good in the hands,” nakangusong reklamo ni Claudio sa ama. Bigla namang kinarga ni Raphael, ang anak. “We’ll buy a toy later. Let’s go back to your mom now, kiddo.” “Promise, Daddy?” Inilahad ni Claudio ang pinky sa harap ng ama, pinipilit itong mangako sa kanya. Walang pagdadalawang-isip na inilapat rin ni Raphael ang sariling pinky sa anak bilang pangako. “Promise. Now let’s go back. The time for the lion is up.” Binawi ni Claudette ang tingin mula sa mag-ama at napatingin ulit kay Caloy na kanina pa naghihintay sa sagot niya. Nagpaiwan kasi siya sa cart dahil medyo napapagod na siya kalalakad. Isama pa na takot talaga siya sa leon kaya hindi siya sumama sa mag-ama. “Then please take as much as you can, especially the picture of the two. No need to choose from them. Just print everything and put it on my tab. I’ll pay when I get them,” Claudette finally answered. Pabirong sumaludo si Caloy kay Raphael. “Copy that, ma’am!” Claudette lightly chuckled and then looked at her husband and son, who were already outside of the lion’s den. Nagtutulungan ang mga ito na tanggalin ang mga pinasuot sa kanilang precautionary clothes na kailangan nilang isuot bago hayaang makapasok sa loob ng den. Unang natapos si Claudio kaya mabilis itong tumakbo papunta sa kay Claudette samantalang naiwan naman si Raphael na mag-isang nagtanggal ng mga kung anu-anong ikinabit sa kanyang katawan. “Mommy! Daddy promised to buy me a lion stuffed toy!” ang masayang bungad ni Claudio kay Claudette. Napataas ang kilay ni Claudette. “Again? Your room already looks like a zoo full of animal stuffed toys. Once we live with your dad, we can’t bring all those toys.” Pinigilan naman ni Claudette ang matawa ng makita ang nanlalaking mga mata sa kanya ng anak. It shows how he felt horrible about what Claudette said. “No way! Mommy! Those are my toys! I can’t leave them alone!” Claudio exclaimed, not only he sounded aggrieved but even his face looked so distressed for the said toys. Seryosong tinitigan ni Claudette ang anak, pilit na hindi pinapansin ang nakaaawang mukha ni Claudio. “But we can’t just bring them without your father’s consent or he won’t even let us live with him. Do you want that?” Hindi naman gustong takutin ni Claudette ang anak, but her playfulness was unlocked after seeing the look of Claudio. As a kid who resembles his strict and always serious father, hindi maiwasan ni Claudio na isipin na maaaring ganoon din ang mukha ni Raphael noong bata pa ito. Ewan ba niya at noon naman, kapag ganoon na ang itsura ng anak ay agad na magpapadala siya sa awa para sa anak. Pero ngayong nalaman niya na anak ng isang Raphael Mortiz ang anak niya, isama pa ang nakita niyang litrato noon ni Raphael noon kasing edad nito si Claudio na kamukhang-kamukha ng anak nila ay hindi mapigilan ni Claudette ang sarili. She thinks that it was not her son, Claudio, whom she was teasing, but the young Raphael instead. “Daddy! You have to let me bring my toys!” umiiyak na sigaw ni Claudio na siyang nagbalik kay Claudette mula sa malalim na pag-iisip. Realizing that she might have teased her son too much, Claudette guiltily looked at Raphael who was already carrying the crying Claudio in his arms. Hindi tuloy malaman ni Claudette kung ngingiti ba siya o ano dahil sa paraan ng pagkakatingin sa kanya ni Raphael. Sa huli ay malakas na napabuntonghininga na lang si Claudette. Dahil nakatayo lang sa labas ng cart ang mag-ama ay si Claudette na ang lumabas para lumapit sa dalawa. Lalo lang siyang nakonsensya ng marinig ang mahinang pagsinok ni Claudio dahil sa biglaang pag-iyak. “Baby,” malambing na tawag ni Claudette sa anak. Hindi na pinansin ni Claudette ang pagkakalapit nila ni Raphael dahil talagang naawa si Claudette sa itsura ng anak ng lumingon ito sa kanya. Namumula hindi lang ang mga mata kung ‘di maging ang ilong at mga pisngi nito ay namumula dahil sa kaiiyak. “Mommy was just teasing you, okay? Don’t cry anymore. Mommy’s already sorry for the baby, hmm?” “Really?” namamaos na tanong ni Claudio. Mabilis na napatango naman si Claudette. “Yes baby,” dagdag niya pa. “So Daddy won’t get mad if I bring my toys with me?” Bago pa man makasagot si Claudette ay hinarap naman ni Claudio si Raphael. “You won’t get rid of me even if I bring my toys to your house?” Kabadong agad na napatingin din si Claudette kay Raphael. Ramdam niya ang pag-iinit ng mukha niya pero dahil hindi niya gustong magkaroon ng maling pagkakaunawaan ay hindi na iyon pinansin pa ni Claudette at mabilis na nag-isip ng dahilan. Unfortunately, Raphael was much faster than Claudette. Before she could think, Raphael had already started talking, coaxing their son. “Why would I get mad? Since your mother is just teasing you, of course I won’t get mad. My house is also your house, kiddo. So feel free to do or bring whatever you want.” “Yes, baby,” mabilis na singit ni Claudette. “So stop crying, okay? Later, when we get home, mommy will take care of all of your toys, so we won’t forget someone,” she added, obviously coaxing. Napahinga lang ng maluwag si Claudette ng natigil na nga ang anak sa pag-iyak. Matapos ng ilang minutong pagsuyo ay nakasakay na ulit ang mag-anak sa kanilang cart. “Let’s go to the butterfly conservatory. But let’s stop by to buy some food at the stalls. What do you want to eat for an afternoon snack?” saad ni Claudette kay Caloy, samantalang na kay Claudio naman ang tingin ng magtanong siya sa huli. “Hotdogs!” mabilis na sagot ni Claudio. Napatawa na lang si Claudette at hindi na nagtanong o namilit pa. Knowing her son, aside from his toys, wala na yatang makapipigil sa kahiligan nito sa hotdog. Mula ng matuto itong kumain mag-isa ay palaging may hotdog na ang menu ni Claudio. Mula sa breakfast, dinner, snacks, o kahit baon sa school. Kung hindi purong hotdog, ay pagkain naman na may halong hotdog. Ilang minuto lang din ay nakabalik na rin sina Claudette sa b****a ng sanctuary. Diniretso sila ng cart driver sa parte kung saan maraming nakatayong food stall bago ito nagpaalam kasama ni Caloy. Inisa-isang pinuntahan naman nina Claudette ang bawat stall kung saan nagtuturo si Claudio ng mga pagkain na parang pinapakilala nito sa kanyang ama. “Ah! Let’s buy that too, Daddy! It’s mommy’s favorite snack!” Claudio exclaimed pointing at a food stall just a few meters away from them. Sabay na napatingin sina Claudette at Raphael sa itinuro ni Claudio. Sa display pa lang ng stall ay malalaman na agad kung anong pagkain ang itinitinda doon. “Go ahead, baby. Ibili mo si Mommy. Ako na ang maghihintay dito sa corndogs mo.” Muling ibinalik ni Claudette ang tingin sa nilulutong corndogs. Ang mag-amang Claudio at Raphael naman ay dumiretso na sa kabilang stall para tingnan ang tinitindang sweet corn ng stall na itinuro ni Claudio. Hindi na sumama si Claudette dahil alam niyang magtuturo na naman ang anak kapag may nakitang magustuhan. Halos hindi na rin magkasya ang mga pagkain nabili nila sa cart na iniwan sa kanila para gamitin nila papunta sa butterfly conservatory. Katulad ng unang plano ay doon talaga balak kumain at magmerienda ni Claudette. It didn’t take long for the two to return with another food pack in their hands. Pero mas naunang makabili si Claudette kaya naman siya na ang naglakad papalapit sa mag-ama habang hawak-hawak ang package na may lamang corndogs. “Are you done?” tanong ni Claudette pagkalapit niya sa dalawa. “Already,” maiksing sagot naman ni Raphael. “Ah! Mommy! Did you know that Daddy also loves sweet corn?” biglang singit ni Claudio. Gulat na napatingin tuloy si Claudette kay Raphael na para bang nagtatanong kung totoo ba ang sinabi ng anak. At dahil nakatingin sa kanya si Claudette ay tahimik na napatango na lang si Raphael. “That’s cool. We have the same favorites with Daddy, but Claudio didn’t like sweet corn,” may himig ng panunuksong wika ni Claudette sa anak. Na agad namang pinatulan ni Claudio kaya nakanguso itong nagpapalit-palit ng tingin sa mga magulang. Ang mga maliliit nitong mata ay naninimbang ang tingin kung nagsasabi ba ng totoo o pinagkakaisahan lang siya ng dalawa. In the end, Claudio can only scowl before looking at the old seller. “Fine. I want some sweet corn too. But please, not too sweet, mister seller.” Natatawang napatango ang matandang tindero na kumuha ng panibagong lutong mais para pahiran ng kaunting margarine. Pagkatapos noon ay binayaran ni Claudette ang mga mais bago hinayaan si Claudio na dalhin ang pinaglagyan ng mga sweet corn. Dahil karga pa rin ni Raphael ang anak ay tanging isang supot lang ang hawak nito nang maglakad sila papuntang cart nila para ilagay doon ang huling pinamili. Napuno tuloy ng mga pagkain ang likod ng cart kaya silang tatlo ay napaupo sa harapan. Raphael in the driver’s seat while Claudette on the pilot seat. Kandong naman ni Claudette si Claudio na nauna nang kumain ng corndog. “Are you sure you knew how to drive that?” tanong pa ni Claudette kay Raphael nang simulan na nito ang ignition. Hindi kaagad sumagot si Raphael at sa halip ay ipinakita kay Claudette na kaya niya ngang magmaneho ng cart, by started driving it. “This is the same with golf carts so I can manage,” maya-maya ay sagot ni Raphael ng masiguro na niyang tama ang ginagawa niya. Claudette did not answer and just hummed gently. Si Raphael ang nagmaneho samantalang si Claudette naman ang nagturo sa daan papunta sa butterfly conservatory. Isang picnic table ang napili nila na hindi kalayuan sa entrance ng conservatory. The place was like a little paradise. Aside from the colorful butterflies, there are also different varieties of colorful flowers and plants around. Maliban sa nakamamanghang panoorin ang mga nagliliparang paru-paru, nakamamangha ring isipin na nagawang panatilihin ng sanctuary ang ganoong kagandang lugar. Bawat sulok ay nagsusumigaw ng buhay. From the plants, those flowers, and the lively butterflies. Maging ang hangin sa loob ay ibang-iba kumpara sa nakasanayang hanging nalalanghap nila sa labas. Kaya naman hindi lang nag-enjoy ang tatlo sa kinakain nila kung ‘di maging sa paligid. Na mukhang naapektuhan rin ang tatlo dahil mas naging masigla at maganda ang naging turingan nila kahit pa nga nakalabas na sila ng conservatory at nagsimula uit maglibot sa mga natitirang vivarium na hindi pa nila nadadalaw. “Let’s take a picture!” masayang anunsyo ni Claudette at hinila ang mag-ama papunta sa kumpulan ng mga penguins. Sa labas ng penguinarium nakatayo si Caloy habang hawak-hawak ang nakahandang camera. Knowing that it was him who would take their picture, the other two looked at his way, specifically to the camera in his hands. “Okay po. As I count one to three, say cheese.” Dahil masyadong matangkad sina Claudette at Raphael sa mga penguins ay pareho silang napaupo. Mas dinumog tuloy sila ng mga penguin lalo na si Raphael na may hawak-hawak pang isda na pagkain ng mga penguin. “One!” Natatawang pinanood ni Claudette si Raphael na pagkaguluhan ng mga penguin. Maging si Claudio na tahimik ring pinapakain ang ilang penguins sa harap niya ay napatawa sa itsura ng kanyang ama. “Two!” Ilan sa mga penguin ay hindi na yata makatagal pa at nilundagan na ang nakaupong si Raphael. Sa gulat at marahil na rin dahil sa reflex ay nahinila ni Raphael si Claudette at ginawang pangharang mula sa mga penguins. Pero dahil pareho silang nakaupo ay hindi nila nagawang timbangin ang sarili. Raphael fell on the manmade ice dragging Claudette with him together. Dahil sa gulat din ni Claudette ay hindi niya nagawang timbangin ang sarili kaya nahulog siya sa ibabaw ni Raphael. “Three. Say cheese!” “Cheese!” Caloy, who was taking the picture, grinned widely as he looked at the beautiful photo he had taken. Aside from the hundreds of penguins in the photo, and the happy grinning face of Claudio, the image behind him was more captivating than the rest. Ang imahe kung saan nakahiga si Raphael na basa-basa na ang puting long sleeves na suot habang sa ibabaw niya ay nakapatong ang asawang si Claudette. A familiar incident once again occurred in which the two’s lips were touched to a kiss. “Wah!” Claudio happily laughed when he saw how the penguins attacked his mother and father, burying them together. Natatawang hindi naman tinigilan ni Caloy ang kakukuha ng litrato dahil sa eksenang iyon, leaving the later picture to the very back. to be continued…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD