NAPAHIGPIT ang pagkakahawak ni Claudette sa hawak na lubid nang unti-unting bumilis ang takbo ng kabayo. Hindi niya mapigilan na kabahan kahit pa nga nasa likod naman niya si Raphael na handang sumaklolo sa oras na biglang mag-alburoto ang kabayo. “Good. Keep it up,” puri ni Raphael. Dahan-dahan niyang pinakawalan ang kanina niya pang pigil na paghinga habang diretso lang ang tingin sa harapan. Isa kasi iyon sa sinabi sa kanya ni Raphael nang mapansin nito na nalulula siya. Hindi naman lulain si Claudette pero hindi niya kailan man inasahan na sa kabayo pa talaga siya nalula. Noong unang subok nila ay tanging si Claudette lang ang nakasakay sa kabayo habang si Raphael ang may hawak sa lubid para palakarin ang kabayo. Parang umikot bigla ang paningin ni Claudette at nagpababa kay Raphae

