MADILIM na ang mukha ni Raphael habang muling napatingin sa suot na wristwatch. Maliban sa suot na wristwatch na suot niya pa galing sa trabaho ay halos gulo-gulo na ang itsura niya. His necktie, along with his suit jacket, was coldly discarded on the sofa, leaving him only with the waistcoat and a white long sleeves with the first two buttons open. Even the way he was seated changed. Ang mga paa ay bahagyang nakabukaka habang ang mga siko niya ay nakapatong sa magkabilang tuhod. Magkadaop naman ang kanyang mga kamay samantalang nakayuko ng kaunti ang kanyang likod. Sa pormang iyon ay masasabing matagal nang naghihintay si Raphael dahil sa hindi niya pag-alis ng mga tingin sa nakasara pa ring pintuan ng mansyon maliban na lang kung mapapatingin siya sa suot na wristwatch. Kanina pa tal

