Cleo's POV Maaga pa lang ramdam na ni Cleo ang kaba. Hindi siya mapakali. Nasa veranda siya ngayon, tahimik na nakaupo habang tanaw ang naglalakihang mga building at hawak ang cellphone niya. Hindi niya kasi alam kung paano sasabihin kay Theron o rather to say, kung paano magpapaalam na hindi sila mag-aaway. Kagabi kasi tinawagan siya ni Fred na mukhang kailangan niya pumunta ng Turkey at mayroong problema pero sinusubukan nitong gawan ng paraan. Naitawag na din ito sa kaibigan nila at CEO ng kumpanya na si Jewel. Napasinghap siya ng biglang tumunog ang phone niya. Tumatawag ang assistant ni Fred. "Ma'am Cleo gunaydin (good morning). " rinig niyang bati nito sa 'kanya sa kabilang linya. "Yes, gunaydin Rachel, any news? "Ma'am Cle, you need to come back here in Turkey." "Why, what'

