Thalia's POV "Lucas..'' "How could you?" sambit nito na puno ng hinanakit. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Natataranta na ako, hindi ko alam kung lalapit ako sa kanya o tatakbo ako papunta sa anak ko. Inilang hakbang lang niya ako at hinigit ang braso ko ng sobrang higpit. Hindi ko maiwasang mapaigik sa sobrang sakit ng pagkakahawak niya. Nakita ko sa mga mata niya ang pagkamuhi at lungkot na para bang kahit anong gawin o sabihin ko ngayon, hindi niya na ako papakinggan pa. "Ilang segundo, minuto, oras, araw at buwan ko kayong nakasama pero hindi mo man lang nagawang sabihin sa akin ang katotohanang anak ko si Kristof! Maiintindihan sana kita eh, PERO HINDI KO MATANGGAP NA PINAG MUKHA MO AKONG TANGA! PINANIWALA MO AKO SA MGA KASINUNGALINGAN MO! LALONG LALO NA ANG ANAK NATIN! GINAGAGO

