Thalia's POV Isang linggo na kaming walang kibuan ni Lucas. Ewan ko kung may karapatan ba akong makaramdam ng panghihinayang dahil simula ng sabihin ko sa kanya na iwasan na namin ang isa't-isa ay hindi na niya kailanman pa ako pinansin. Tuwing mag-uutos siya, hindi niya ko tatapunan ni isang tingin man lang. Nasasaktan man ako pero ginusto ko din naman to. Tama lang naman na sa umpisa pa lang, huwag na namin palakihin ang sugat. "Nanay, ano po niluluto mo? Mukhang masarap po iyan ha?" paglalambing ng anak ko habang nakayakap sa bewang ko dahil nga maliit lang siya. Sabado ngayon kaya't naisipan kong mag-bonding kami ng anak ko sa bahay at mamaya naman sa mall para hindi naman makaramdam ng tampo ang anak ko sa akin. Alam kong malungkot minsan si Kristof dahil wala na akong oras sa ka

