Thalia's POV 7:30 pm at Ninoy Aquino International Airport "Nanay, I want to learn how to speak fluently in tagalog also like them." sabi ng anak ko habang nakaturo sa mga tao sa paligid. Natawa naman ako at pumantay sa kanya. Marunong naman siya mag-tagalog at nakakaintindi rin pero hindi ganoon kabihasa dahil nga sa sinanay siya ng mga tao sa paligid niya. "Okay, baby girl. Bukas tuturuan na kitang mag-speak ng tagalog, need lang natin makauwi agad para makapagpahinga na tayo." sabi ko sa kanya at hinaplos ang buhok niya. Tumango naman siya sa akin at inayos ang pagkakasukbit ng Hello Kitty niyang bag sa likod. Naglakad na kami palabas ng airport at agad din kami sinalubong ng isa siguro sa mga tao ni Vlad. Gusto ko man sana umupa ng matitirahan pansamantala rito sa Pilipinas ang

