“SIGURADO ka Penelope, gusto mong magpaiwan dito?” nag-aalalang tanong ni Charlotte. Kanina pa ito nagpapaalam pero hindi pa rin umaalis. “Oo, okay lang ako. Uuwi din ako mamaya,” walang anumang sabi niya. “Bakit ba ayaw mo pang umuwi? Ano pa bang gagawin mo dito?” Sinipat nito ang suot na relo. “Mag-aalas sais na. Mamaya lang madilim na. “May kakausapin lang ako. Kaya dito muna ako. Huwag kang mag-alala uuwi din naman ako agad.” Hindi niya sinabi sa kaibigan na si Ulysses ang hinihintay niya. Ang usapan nila ni Ulysses ay ilihim muna ang relasyon nilang dalawa. Nag-aalala kasi siyang kapag nakarating sa kaalaman ni Achilles ang tungkol sa kanilang dalawa ay magalit ito. Kahit

