“NAKATUNGANGA ka na naman diyan. Huwag mo na nga siyang isipin. Masisira lang ang araw mo,” sabi ni Charlotte nang tumabi ito kay Penelope. Kasalukuyan siyang nakaupo noon sa bench sa park ng organization ng mga HRM students. She wrinkled her nose and tried to smile. “What makes you think na may iniisip ako. Nakaupo lang ako dito at nagpapahangin. Wala pa naman si Ma’am Marquez, di ba?” Ang tinutukoy niya ang instructor nila sa isang major subject. Hindi pa ito dumarating. Ayaw naman niyang maghintay sa loob ng classroom dahil maingay ang mga kaklase nila kaya ipinasya niyang mag-istambay muna sa park. Malapit lang naman ito sa classroom nila. Ngunit hindi niya inaasahang susundan

