TUWANG-tuwa siya ng may sasakyan agad na dumaan. Hindi 'yon bus o dyip, pero pinara niya 'yon para makaalis siya agad sa lugar na 'to. Nakahinga siya ng maluwag ng huminto ang isang pick up sa harap niya. Agad na sumakay siya ro'n. "Salamat ho!" Masayang sambit niya. Hindi tumingin sa kanya ang matandang driver niyon. Nanatili lang na nasa daan ang mga mata nito. Pinagdikit niya ang labi at pinili na wag nalang magsalita. Halata na wala 'tong balak makipag usap sa kanya. Dahil sa tagal ng byahe ay nakatulog pa siya sa sasakyan ng matanda. Nagising lang siya dahil sa malakas na tikhim nito. "Salamat po uli, manong." Katulad kanina ay hindi man lang 'to nagsalita o sumulyap sa kanya. Ang sungit naman nito. Dahil sa perang nakuha niya sa bahay ni Piero ay nakabalik siya sa inuupahan

