KUMUNOT ang noo niya ng mapansin na may ilang kalalakihan ang nasa labas ng kinakain niyang Pastry shop. Dahil salamin ang dingding ay kitang kita niya ang mga tao sa labas. Pinilig niya ang ulo. Sigurado na mali lang siya. Dalawang araw na ang lumipas pero tahimik pa naman ang dalawang araw na 'yon sa kanya. Walang Leo, Draken o Piero na nanggugulo sa kanya. Muli niyang ibinalik sa harap ang atensyon niya at kumain. Nang maubos niya ang mga cake na inorder ay tumayo na siya para maglibot na naman. Sa dalawang araw niya na narito sa maynila ay wala siyang ginawa kundi ang kumain. Inalis niya ang suot na itim na sumbrero saka sinuklay ang maikling buhok gamit ang kamay. Lahat ng nakakita ay natigilan ng makita siya. Mga inggit ang nasa mata ng mga babae, samantalang paghanga naman an

