PANSAMANTALA na dinala siya ni Draken sa ibang kwarto habang pinapalinis nito ang kwarto nito. Nanginginig parin siya sa takot dahil sa nangyari. Nagpapasalamat siya sa Diyos dahil buhay pa siya. Mabuti at hindi siya nito pinatay. Tuyo na ang mga luha sa mukha niya. Nanatili siyang nakaupo sa kama. Gusto man niyang pumasok ng bathroom para maligo ay hindi niya magawa dahil nanginginig ang katawan niya sa takot. Binuhat lang naman siya ni Draken kaya siya nakarating sa kwarto na kinaroroonan ngayon. Pagnaaalala niya kung paano siya nito tutukan ng baril at lalo siyang nanginginig sa takot. Niyakap niya ang sarili at pinatong ang ulo sa tuhod. Napapitlag siya ng bumukas ang pinto at pumasok si Draken. Walang emosyon ang mukha nito habang naglalakad palapit sa kanya. Huminto ito lumuhod

