HINDI pa rin maalis ang inis niya sa lalaki. Kung umasta akala mo ay kung sino. Pumunta lang ba ito dito para sabihin ang bagay na iyon sa kanya? Inis na napabuga siya ng hangin. Parang may galit talaga ito sa kanya. Kung tingnan nga siya ay parang kakainin siya ng buhay. Gusto niya sana makisama dito, hindi lang dahil sa kaibigan ito ng boyfriend niya, kundi sa asawa rin ito ni Amara na kaibigan na rin ang turing niya. Kaso hindi talaga niya kaya. Bukod sa hindi niya gusto ang awra ay parang palaging galit ang lalaki. Parang kayang manapak kahit babae. Hindi katulad ni Leo na masungit lang pero gentle pa rin naman sa mga babae. Sa akin lang pala. Nawala ang inis niya ng maalala si Leo. Kumunot ang noo niya ng makakita ng sasakyan. Isa iyong BMW M3 Competition na kulay itim. Mamah

