28. TWISTED (EXPLICIT CONTENT)

2311 Words

BANGUNGOT. Ito ang nangyari sa kanya. Gusto niyang isipin na bangungot lang lahat ng ito, at magigising siya sa bangungot na iyon. Pero hindi. Punong puno ng luha ang mga mata niya habang tinitingnan ang dalawang tao na sobrang mahal niya na unti-unting ibinababa sa ilalim ng lupa. Bakit nangyayari ito sa kanya? Bakit kailangan na mawala ang dalawang tao na unang nagmahal sa kanya? Bakit sabay nila akong iniwan? Hindi tumitigil ang luha niya. Parang hindi na siya makahinga sa sobrang sakit. Sa isang iglap lang, dalawa ang nawala sa kanya. Hindi man lang niya nasabi na mahal na mahal niya ang mga ito. Nagsi-alis na ang ibang nakilibing. Naiwan lang ang ilang malalapit sa kanila. Tumingin siya sa babae na humawak sa balikat niya. Bakas ang lungkot sa mata nito. Bumuntong hininga lan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD