TULALA lang siya habang nakatingin sa harap ng salamin. Tumulo ang luha niya na agad niyang pinunasan. Apat na araw na siyang nakakulong sa kwarto ni Draken. Subukan man niyang tumakas ay hindi niya magawa dahil sa palaging naka-lock ang pinto. Dinadalhan lang din siya ng pagkain ni Draken sa kwarto. Halata na wala itong balak na palabasin siya sa kwarto. Palagi din itong nakabantay sa kanya kaya hindi niya magawang tumakas. Pati ang bintana ng kwarto ay nakasarado. Pinilit niyang buksan 'yon pero hindi niya nagawa. Hindi rin pamilyar sa kanya ang bahay nito. Iba kasi ito sa bahay ni Draken na nakita niya noon. Kinagat niya ang labi ng makita ang mga marka na gawa ni Draken. Halos mapuno nito ang buo niyang katawan. Kahit sa hita niya at sa singit ay halos may mga marka siya. Agad n

