PAGOD na pagod ang katawan niya. Hindi niya magawang kainin ang mga pagkain na hinahain sa kanya ni Piero. Nanghihina siya. Parang anumang sandali ay mawawalan siya ng malay. Dalawang araw na siyang hindi tinitigilan nito at palagi nalang ginagalaw. Hindi na rin halos ito umaalis sa tabi niya. Tulala lang siya habang nakatingin sa kawalan. Pakiramdam niya anumang oras ay tatakasan na siya ng katinuan niya. Nakakunot ang mukha ni Piero ng makita na walang bawas ang pagkain niya na nakalagay sa tray. Umupo ito sa tabi niya at inumang ang kutsara na may laman na pagkain sa harap ng bibig niya. "You need to eat. You looked pale." Hindi niya ito kinibo. Nanatiling nakatingin sa kawalan ang mata niya. "I said you need to eat." Halata na hindi nito nagustuhan ang hindi niya pagsagot. Tu

