Everything is going fine sa amin ni Ghia. Hindi na din ganun kasakit o baka nasanay na lang ako sa sitwasyon namin ni Dens. Patapos na ang quarter. Ang bilis ng panahon at tutungtong na kami ng college. Ganun pa din ang gawi ni Dens pero okay lang kung yun ang paraan niya to cope up basta hindi siya mag failed sa study niya. "Bunny.." Tawag saken ni Ghia. Nakaupo kami ngayon dito sa tuktok ng bundok. Naghiking kasi kami. Maswerte ako kay Ghia dahil ginagawa talaga niya ang lahat para madivert ang attention ko sa mga magagandang bagay. Di gaya ni Dens hindi kasi ako tatagal sa pag inom inom pati ang paninigarilyo hindi din nagtagal sa sistema ko. "Yes.. My bunny?" Nakangiting balin ko sa kanya habang kinukuyakoy ang mga binti ko. "Nakita mo ba yun? Yung pinaka malayong rurok na yun?!"

