"You are laughing at me!"
"Mali kasi, Lei. Inhaled it deep down and don't just keep it in your throat. Then blow it out... Do it again.."
Ginawa ko ang sinabi niya. "f**k!" Mura ko. Muli itong tumawa. "Nahilo ka nuh?!" I nodded.
"Marunong ka na mag smoke.. Pero wag masyado, Lei. Gaya ng sabi mo its bad for health."
Tama siya nahilo nga ako at tama din siya nakakakalma. Napapahinto nito ang bagyo sa dibdib ko.
"Can you promise me one thing? Dens?" Tumingin siya sakin at ganun din ako sa kanya. Tumagal yun ng ilang segundo saka lumapat ang palad ko sa pisngi niya. Bigla na lang tumulo ang luha ko.
"Hey! Bakit ka nanaman umiiyak?!" Malambing nitong tanong. Pinahid niya ang luha ko. "Ano yun? Lei? Tell me.."
"Don't ever leave me, Dens.."
"What made you think of that?! That won't happen.. Ever.."
"Promise me..."
"I promise, Lei..." Hinila niya ako para yakapin. Yumakap din ako sa kanya ng mahigpit at lalong umiyak. I love her!!
"Can we sleep now? Go to bed. I'll just take a shower.." Tumango ako saka humiga na ng kama.
[MARIA DENNISE TRINIDAD]
Paglabas ko ng banyo tulog na si Lei. Panay ang iyak niya pero diko maconfirm kung ano exactly ang dahilan. Humiga na din ako sa tabi niya at pinagmasdan ko lang ang maamo niyang mukha.
Sumentro ang mata ko sa kilay niya, sa mata, ilong hanggang labi. Hinaplos ko yun. Bahagya pa itong gumalaw at umikot patagilid.
Pinatay ko ang ilaw bago ako natulog at yumakap sa kapatid ko. Malinaw sa akin na mahal ko siya higit pa sa kapatid pero kung anong totoong nafefeel niya saken, hindi ko alam at kahit pa malaman ko wala pa din namang magbabago.
Mananatili pa ding walang patutunguhan ang lahat ng to dahil magkapatid kami.
Kinabukasan wala na sa tabi ko si, Lei. Hinanap ko siya kay Mom pero umalis daw ito. Nagtaka naman ako dahil hindi naman yun lumalabas ng bahay or baka pumunta siya kela Ghia.
Maisip pa lang na magkasama sila may kurot na agad sa puso ko.
[GHIA ANNE GONZALES]
"Bakit naman gusto mong uminom, Lei? May problema ka ba?!"
"I'm so sorry, Ghia pero hindi ko ata kayang suklian ang binibigay mong pagmamahal sakin.. Ayokong maging unfair pero I'm not ready. I'm truly sorry.."
Natahimik at nalungkot ako sa sinabi niya pero hindi naman ako galit at na amaze pa nga ako sa pagiging honest nito.
"It's fine, Lei. Pwede naman tayo maging friends.."
"Pero baka masaktan kita. Baka mas okay kung lalayuan muna ko, Ghia. Ayoko maging burden sayo.." Umiling ako kasi hindi ako agree sa part na yun. "Okay lang saken na basted ako, Lei pero ang diko ma accept ang palayuin moko sayo. It's my choice hindi ka dapat mag-alala.. Ako naman toh.. Isa pa hindi ka burden.."
Dinamayan ko si Lei sa problema niyang hindi ko alam kung ano ba talaga. Ilang weeks na din siyang ganun.
Nasa right age na ako kaya okay lang uminom. Hindi naman ganun kahigpit ang parents ko pero si Lei wala pang 18 kaya medyo bother ako. Nagsinungaling pa ko sa true age niya para lang makainom kami dito sa bahay. Hindi kasi ako papayagan kung sa labas.
May trauma na sila dahil minsan na akong naaksidente sa motor ng mag drive akong lasing dahil broken hearted kay Tonette.
"Sure ka ba kaya mong umuwi mag isa?" Nag-aalala ako dahil nakainom ito pero hindi naman siya lasing talaga.
"Yeah, I'm sure Ghia. Thanks ah. Magtataxi naman ako kaya don't worry. Then I'll beep you up once nasa bahay na ako.." Humalik ito sa pisngi ko at nagpaalam din kela Dad at Abby.
Pagkasakay niya ng taxi pabalik na sana ako ng loob. "Ghia!" Sigaw ng pamilyar na boses. Lumingon ako at tama. Si Tonette nga.
"Siya ba?! Siya yung bago mo?! Mukhang bata pa. Gusto mo ba talaga yun?!"
"Ano nanaman ba to, Tonette? Akala ko malinaw na lahat sayo. Tumigil ka na please. Ikaw lang nagpapahirap sa sarili mo.." Paliwanag ko. Ang ikli ng suot nitong skirt na ikinabahala ko dahil baka mapano siya sa daan.
"Madali lang kasi sayo, Ghia kasi may iba kana. Girlfriend mo na ba yun? huh?!"
"Hindi niya ko sinagot, Okay.. She's not ready but the point is you, Tonette. Wag mo na kong guluhin dahil talagang wala na. Hindi na kita mahal. Ano pa bang masasakit ang need ko sabihin para matanggap mong wala na talaga.."
Hindi ito nagsalita pero ang kumuha ng atensyon ko ay si Lei. "I'm sorry, I forgot my phone, Ghia. Naiwan ko ata sa bathroom mo.."
Napatingin ako kay Tonette na masama ang tingin kay Lei. Napatingin din naman sa kanya si Lei. "Oh hi.. Sorry Ghia may kausap ka pala.."
"This is Tonette, Lei.." pakilala ko. Agad na bumati si Lei sa kanya.
"Tonette This is, Lei.." Hindi ito nagpakita ng simpatya. "So! You are the girl.." Sa tono ng pananalita nito mapapansin mong naghahanap siya ng gulo kaya pinauna ko na sa loob si Lei. Hindi ko siya magawang iwan at kunin ang phone dahil baka anung mangyari kapag silang dalawa na lang ang andito.
"Feel at home na din siya kahit hindi kayo?!"
"Bakit may masama ba dun? Magkaibigan kami kahit pa hindi niya ako sinagot. Mas mabuti na yun dahil honest siya at ayaw niya kong masaktan o umasa sa wala."
"Tsk... Ang sabihin mo pa hard to get lang siya para mas lalo kang maghabol sa kanya.."
"What?! Like what you did to me? Nung nanliligaw pa lang ako sayo?! For god sake, Tonette. Malayong malayo si Lei sayo.." Mas lalong nag iba ang mukha nito sa sinabi ko. Saktong palabas na si Lei nang lumapit si Tonette. Sa bilis ng pangyayari hindi ko namalayang nahatak na nito ang buhok ni Lei.
Napasigaw si Lei at nataranta na din ako.. "Bitawan mo nga ako!! Anu ba..." Sigaw ni Lei.
"Let her go, Tonette.. My god..!" Panay ang paghila ko sa kamay ni Tonette, sinusubukan kong maalis ang buhok ni Lei sa kapit nito.
"Malandi ka! Sana hindi ka nagpaligaw kung babastidin mo din naman pala si Ghia!" Sigaw ni Tonette. Naghahatakan na silang dalawa habang ako nasa gitna at pilit silang pinaghihiwalay. Hindi na rin pumayag si Lei na madihado siya kaya hinatak din nito ang mahabang buhok ni Tonette.
"Mom! Dad! Abby!!" Ubod lakas kong tawag dahil hindi ko na sila kayang dalawa.