Isang sophisticated na babae ang biglang lumitaw. Malabo namang mama niya to dahil mukhang ka edad ko lang. "Meet my girlfriend, Monique.." Nagsimulang kumabog ang dibdib ko pero siniguro kong okay pa din ang pistura ko. "What are you talking about, Derek? Anung girlfriend? I'm your fiance, baka nakakalimutan mo!" Nanggagalaiti ito na parang gusto na akong sunggaban. Napahigpit ang kapit ko kay Derek at alam kong ramdam niya yun kasi humawak siya sa kamay kong nakakapit sa kanyang braso. "I don't remember na nag propose ako sayo. Maybe in your dream.." Diko alam kung matatawa ako sa litanya ni Derek o sa itsura nitong babae dahil malinaw na umuusok na ito sa galit. "Hindi mo pwedeng gawin saken to, Derek. Baka hindi mo kilala ang pamilyang kinakabangga mo!" Ngitngit nito, salubong an

