Xandie POV Nagising ako sa isang estrangherong silid. Para itong hotel room na mukhang hindi. Ewan ang gulo. Hindi kasi ito tipikal na hotel room. Para lang itong practice room para sa mga HRM students. Napalingon ako sa gilid ko at agad na nabunutan ng tinik ng makita ko si Zio na nagbabasa ng libro. Bumangon nako at sumandal sa balikat niya. Hindi naman siya nagreklamo edi go! Feel the moment ang peg ng lola niyong kagagaling lang ng iyak tas nakatulog. Huling naalala ko lang ay nakatulog ako habang buhat buhat ako ni Zio na parang bagong kasal tas hindi ko na alam kung anong nangyari at kung saang lupalop kami napunta. "Nasan tayo husband?" Tanong ko kay Zio at nakibasa sa librong binabasa niya. "In the HRM department." "Eh? Bat tayo nandito?" Takang tanong ko sa kanya. Kaya pal

