Xandie POV
"Welcome to the Philippines ladies and gentelmen. Have a good day everyone!" Rinig kong sabi nung announcer through speaker nang makapasok kami sa loob ng airport.
So nasa Pilipinas kami? For real? Yiiiiiiee!! Pangarap kong makapunta dito and now! Hihihihi natupad na ang pangarap ko na makatapak sa lupa ng pilipinas.
Tumalon talon ako ng parang bata ng makalabas kami ng airport. Nilanghap langhap ko ang hangin ng Pilipinas at agad rin akong naubo.
Pwe! Totoo pala talaga ang sinabi ni sophia na polluted ang hangin dito. Pashnea! Ang sakit sa ilong. Mygash! Parang nasira ata yung sense of smell ko huhuhuhu bat pollluted yung Pilipinas?
Nakastand by lang kami sa labas habang yung mga men in black na nakasunod samin kanina ay di ko na alam kung nasaan. Tanging kami na lang ni Zio ang nandito sa labas. Pinagtitinginan na nga kami eh. Ewan ko ba kung bakit. Siguro dahil sa ngayon lang sila nakakita ng isang dyosang katulad ko hihihihi.
"Stay here." Utos sakin ni Zio kaya tumango tango ako. Di ko alam kung saan siya pupunta pero ng makalayo siya ay may kinausap siya sa phone niya.
Syempre alam ko kung anong tawag sa hinahawakan ni Zio. May ganun kaya si Sophia. Yun nga lang mas maganda yung kay Zio. Sabi ni Sophia ay ang gamit daw ng phone ay para daw makacontact ng isa't isa kahit nasa malayo ka pa. I find it cool nga eh pero di pa ako nakakagamit ng phone. Nakahawak oo pero nakagamit hehehe nakakahiya man sabihin ay di ko alam pano gumamit ng phone dahil wala po yan samin. Kung di ko pa nga nakikita yan kay sophia ay malamang di ko alam ang tawag dun. Siguro nga sa lahat ng tao sa palasyo ako lang walang phone eh. Langhiya! Di kasi ako binigyan nila mother kaya eto ngayon! Lumaking ignorante ang anak nila.
Habang hinihintay ko si Zio ay nagtatalo ang isip ko. Kung tatakas ba ako o hindi. Hindi ko naman kasi alam kung anong klaseng tao yun si Zio. Malay ko bang r****t yun o di kaya ay sindikato kaya sa huli ay napagdesesyunan ko na lang na sumakay ng isang sasakyan. Ewan kung anong tawag nito pero may nakalagay na taxi sign sa ibabaw ng sasakyan. Siguro ito ang tinatawag ni Sophia na taxi.
"San po tayo mam?" Tanong nung matandang driver.
"Ahm...sa ano po manong....sa malapit po na mall manong." Sagot ko kay manong at nagsimula na siyang magdrive.
Patingin tingin lang ako sa bintana habang umaandar ang sasakyan. Ilang minuto ay tumigil ang taxi sa isang napakataas na building. Tinangala ko ito at napakataas nga. Hindi ko pa nakikita ang tuktok nito.
"Kuya? Eto na po ba yung mall?" Tanong ko kay manong.
"Naku! Ma'am hindi po, nasiraan po kasi ako kaya po tayo tumigil. Tumirik po yung sasakyan ko. Pasensya na po. Sakay na lang po kayo sa ibang taxi marami naman po dito."
"Ah sige po manong. Salamat po ah? Saka sana po ay maayos na po yung sasakyan niyo." Sabi ko kay manong at ngumiti saka ako lumabas ng taxi.
Nang makalabas ako ay muli ko na namang tinangala ang napakataas na building.
'Devoncore Empire.'
Basa ko dun sa nakalagay sa taas.
Devoncore? Nabasa ko na to ah. If I'm not mistaken apelyedo yun ni Zio. Woah! Sa kanya ba to? Hihihi ang yaman niya siguro.
Sa tingin ko ay di ako basta basta makakapasok dun sa pinto kaya naglakad na lang ako sa likod ng building nato. May nakita akong nag iisang pinto at sa gilid nun may mga malaking basurahan kaya pumasok ako sa pinto. Hallway agad ang bumungad sakin. May isang pinto ito sa gilid at nung sumilip ako ay kusina ito.
Aligagang aligaga ang mga chef dun. Kaya tinantanan ko na sila. Ilang hakbang pa ay bumungad sakin ang mga tao. Ang gulo dito. Maraming taong nagkwekwentuhan. May tumatawa. May kinikilig. May malungkot at may tahimik.
Marami ding mesa dito. Para siyang dining hall pero ang pinagkaibahan lang ay marami siyang mesa at mga silya. Nang tignan ko rin ang mga mesa nila ay hindi kaparehas ng ayos sa dining table namin tuwing kumakain kami. Isang plato, isang kutsara at tinidor lang ang nasa mesa ng bawat tao na nanduon. Wala rin silang table napkin saka isa lang din yung baso nila. Saka wala rin silang bread knife. Seriously saang lugar ba to? At parang iba to samin?
Ilang minuto ko silang tinignan bago ako sumakay ng elevator na nasa harapan ko lang. Naagaw ko na rin kasi ang atensyon ng iba. Hindi pa naman ako sanay sa mga kaibang tingin ng mga tao. Nginitian ko ang babae ng makasakay ako. Ngumiti naman siya sakin pabalik.
"Ate alam niyo po ba kung saan yung opisina ng boss niyo?" Tanong ko sa kanya.
"Boss? Marami po kaming boss dito. Like boss sa finance department, Accounting department, etchetera etchetera. Saang department po ba ma'am?"
Department? Ano ba yun? Di ko ma G ang sinasabi niya.
Yung may ari na nga lang. Tutal apelyedo naman ni Zio yung panglan ng building na to eh.
"Ahm...ano po.....yung......yung ano po....yung may ari po nito." Nahihiya kong sagot sa kanya. Napakamot pa ako sa ulo ko.
Tumango tango naman ang babae. "Ahh si big boss po ba? Nasa pinakatuktok po yung office niya. May kailangan po ba kayo sa kanya?"
Mahina akong tumango. "Opo." Sagot ko.
"Nasa top floor po ma'am. Osya dito na po ako ma'am. Ingat po kayo." Sabi niya at nginitian ako saka siya lumabas. Pinindot ko naman ang last button ng makalabas siya.
Sandali lang ang hinintay ko ng bumukas na naman ang elevator. Lumabas ako at inilibot ang tingin ko. Floor to ceiling ang malaking glass wall. May double doors na may nakalagay na 'Office Of The CEO' sa taas. May isa ring circular table na may computer na nakapatong dito at madami ring papel na nakapatong.
Deretso deretso akong naglakad patungo sa pinto. Akma ko na sana itong bubuksan ng bigla bigla na lang itong bumukas. Bumungad sakin ang isang lalaki. Naka tuxedo ito kaya mas lalo siyang gumwapo. Nilibot ko naman ang paningin ko sa kubuan ng opisina at nakita ang apat na naggwagwapuhang lalaki na nakaupo sa isang sofa. Tulad ko ay nakatingin rin sila sakin.
Nagtataka sila habang nakatingin sakin. Tinignan pa nila ako from head to toe. Hindi ko tuloy maiwasan maasiwa sa mga tingin nila.
"Ehem! What are you doing here miss?"
Naagaw ang atensyon ko ng magsalita ang nasa harapan ko.
"Ahm.....ano....ahm dito ba ang opisina ni Duke Zienon Devoncore?" Utal utal kong sabi sa kanya habang nakatingin deretso sa kanyang mata.
"Oo, bakit? May kailangan ka ba sa kanya? Kung meron man siguraduhin mo lang na importante miss. Ginto ang oras nun." Sabi ng kausap ko.
Oo nga naman. Bat ba ako nandito? Akala ko ba tatakas ako? Eh bat ako nandito? Sometimes hindi ko talaga maintindihan ang takbo ng utak ko. May patakas takas pa akong nalalaman eh babalik rin lang naman ako. Napakashunga ko talaga pero bahala na nga!
"Ahm...asawa niya ako. Gusto ko lang malaman kung nandito ba siya." Sagot ko habang nakayuko.
Narinig ko namang tumawa siya pati na rin yung apat na lalaki na nakaupo sa sofa. Narinig nila siguro ang pinaguusapan namin
"Hahaha huwag kang magpatawa miss. Wala pang asawa ang boss namin. Wala kang magago dito kaya mabuti pang umuwi ka na bago ka pa namin ipakaladkad sa labas." Walang emosyong sabi niya.
"Pero nagsasabi ako ng totoo." Protesta ko ng akma niyang isasara ang pintuan.
Totoo naman kasi. Asawa ako ni Zio. Bat ba ayaw nilang maniwala? Maganda naman ako ah. Mukha ba akong nanguuto sa mukha ko? Pashea naman oh!
"Balik ka na lang 5 years from now baka sakaling maniwala pa kami. Alam mo miss maganda ka sana eh, pero maluwag na ata turnilyo ng utak mo." Huling sabi niya at tuluyan ng sinara ang pinto. Kasabay pa nun ang pagtunog ng sikmura ko.
Nagugutom nako pero wala akong pera pambili. Kung may pera man ako pero di ko naman alam kung saan ako pupunta at kung paano ako makakain. Trust me hindi ko po talaga alam ang gagawin ko. This is all new to me.
Napabuntong hininga na lang ako at wala sa sariling pinindot ang elevator button. Wala na akong pake kung hindi ito yung sinakyan ko kanina pare parehas lang naman kasi. Elevator lang rin naman to, ang pinagkaibahan lang ay kulay gold ang pinto nito habang yung isa naman ay parang common elevator lang.
Sumakay ako nang bumukas ito at bago pa ito magsara ay nakita ko pa ang paglabas ng nakausap ko kanina. Nakatingin ito sakin ng may pagkataranta kaya nagtaka ako. Siya tong nagpaalis sakin tas natataranta siya ng paalis na ako. Siya yata yung maluwag na ang turnilyo ang utak eh.
Speaking of maluwag na ang turnilyo ang utak, ano ba yun? Di ko rin kasi alam. Ginagaya ko lang naman yung sinabi niya.
Nang muling bumukas ang pinto ng elavator ay bumungad sakin si Zio. Walang emosyon ang mukha niya pero nakikita ko sa mata niya ang galit. Bigla tuloy ako nakaramdam ng takot.
Biglang lumakas ang pintig ng puso ko habang nakatingin sa kanya. Hindi ko alam ang gagawin ko basta ang alam ko lang ay galit na galit ang asawa ko ngayon at patay ako.