Xandie POV "Multo ba ako? Bat gulat na gulat ka diyan Queen?" Tanong sa akin ni Katrina. Nang makabawi ako sa pagkagulat ko ay agad ko siyang binatukan. "Aray naman Queen! Inaano ba kita?" Mangiyak ngiyak na reklamo niya. "E ikaw kasi eh. Ginulat mo ako akala ko tuloy si Zio ang nakabangga ko." Sabi ko at naglakad na papunta sa revolving door. "Sorry naman Queen. Nagmamadali rin kasi ako eh nakalimutan ko kasi yung uniform ko." Inirapan ko lang siya at sumakay na sa Porsche ko na nakaparada lang dito sa tapat ng building. Tumawag kasi ako kanina sa receptionist na ipahanda ang kotshe ko para di na ako maabala sa pagbaba sa parking lot. Dagdag oras rin kasi yun. "Ganun-gunun na lang yun Queen? Iiwanan mo ko dito?" Napailing-iling na lang ako sa kanya. Naturingang assassin pero napaka i

