Harold POV;
Matapos ang tagpo namin ni Fernan kong saan nakita niya ako sa simbahan kasama ang mga anak ko ay napagtanto kong talagang walang maitatagong lihim! Kaya nag alala na ako paano kong sa susunod si Mia na ang makadiskubre ng aming tagong relasyon ni Cathy, ayaw kong mapahamak ang mag ina ko kaya kailangan kong mag isip ng paraan. Mamaya kakausapin ko na si Mia at kailangan ko makagawa ng paraan para pumayag siya sa balak kong ipa annul ang aming kasal.
"Ngayon ko na ilalabas ang matagal niya ng tinatagong lihim na akala niya hindi ko alam, patawarin mo ako Micheal anak!" bulong ni Harold sa sarili habang nagkakape sa veranda at inaantay na dumating si Mia.
Alas nuebe y medya ng dumating si Mia lulan ng kotse nito at tanaw na tanaw ni Harold mula sa veranda sa kanyang kwarto ng sasakyan ni Mia na kasalukuyang nasa harap ng gate at hinihintay na pagbuksan ng katulong! Hindi pa nkapagbusina si Mia kaya 'di lumalabas ang katulong. Pero laking pagtataka ni Harold ng may nakita siyang isa ring kotse na tumigil kasunod ni Mia, agad kinabahan si Harold kaya tiningnan niya ng mabuti ang taong bumaba ng sasakyan! Nagulat siya sa namukhaan niyang tao!
"Robert! anung ginagawa niya dito?" bulong ni Harold! Anng alam niya nasa US si Robert matapos na takasan si Mia ng malaman nitong buntis ang babae. Kaya siya napilitang pakasalan si Mia dahil pinaangkin nito sa kanya ang batang nasa sinapupunan pa nito noon! Naging magulo ang lahat lalo na ng makialam na ang ama ni Mia kaya sa takot ni Harold na mawalan ng tarabaho ay napasunod siya ng ama nito na pakasalan ang babae kahit sabihin pa nating hindi naman talaga niya mahal si Mia.
May nangyari lang sa kanila noong minsan sila nagkatagpo sa bar at lasing na lasing noon si Mia dahil sa problema nito sa ex niya. Hindi inamin ni Mia kay Harold na buntis na siya pero may isang kaibigan si Mia na nagsabi nito kay Harold matapos nilang ikasal ni Harold!
Nang mga uras na yon ay gulong gulo ang utak ni Harold pero pilit niyang pinanindigan ang babae kahit pa sabihin nating hindi niya ito mahal. Nanganak si Mia ng nasa walong buwan lang na bilang kong kanyang ibabase sa nangyari sa kanila. Pero pinalabas lang ni Mia n kulang sa buwan si Micheal!
≠=≠======
Samantala gulat na gulat si Mia ng makita niya ang lalaking bumaba sa kotse na kasalukuyang nasa likuran ng sasakyan niya! Agad siyang bumaba at sinampal ang lalaki dahil sa galit na nararamdaman niya dahil sa pagtakas nito sa kanila ng anak niya dahilan kong bakit kailangn niyang ipaangkin kay Harold ang anak nitong panganay na si micheal!
Isang buwan mula ng nagparamdam ang lalaki at gusto nito kunin ang anak niya o magpakilala man lang. Lagi ito tumatawag sa hospital ngunit ngayon lang nagpakita! Dahil ayaw ni Mia na ipakilala siya sa anak nito ay pinagbantaan siya ni Robert na ipapaalam kay Harold ang lahat!
"How dare you na magpakita pa sakin after 8yrs!" matapos mo ako ewan sa ere at nagpakasarap sa buhay binata mo ay babalik ka ngyon para kunin ang anak ko? No way Robert, no way!" Matigas na turan ng babae!
"At totoo pala talaga na anak ni Robert si Brielle?" pang gulat ni Harold ng bigla itong lumabas sa gate at nakisali sa eksena ng dalawa.
Nanlaki ang mata ni Mia ng napalingon at nakita niya si Harold na nasa likuran niya. Si Robert naman ay nakangisi na tila natuwa pa at narinig ni Harold ang kanilang usapan!
"Ha-har...old!" gulat na turan ni Mia na namumutla at tila di alam anung gagawin!
"Ngayon mo sabihin sakin ang totoo Mia! Ipagkakaila mo pa rin ba ang katotohanang matagal ko ng alam? Hindi ako kumibo at hinayaan kang diktahan ang buhay ko sa mabang panahon. Nagbulag bulagan ako sa mula katotohanang matagal ko ng alam. Bago pa lang tayo ikasal! Pero dahil sa pang iipit ng ama mo sakin ay napilitan akong pakisamahan ka at inakala ko na darating ang araw na matututonan din kitang mahalin kaya ako nanatili sa pagsasama natin!" Matigas na pagkabigkas ni Harold sa bawat katagang lumalabas sa binig niya. Tila isang tinik iyon sa lalamunan niya na pilit tiniis sa loob ng walong taon, at ngayon' panahon na para palayain ang boses niya at matanggal ang tinik na nagpapahirap sa kanya!
"Harold please let me explain!" saad ni Mia.
"Stop it Mia! Hindi ako tanga at hindi ako bobo para hindi maintindihan ang panggagamit mo sa akin! Wala na akong pakialam kong anu pang pag uusapan niyong dalawa. Sapat na sa akin na sa harap niyo mismo napatunayan ko ang katotohanang pilit mong ipinagkakait sakin Mia!
Minahal ko so Brielle ng gaya ng pagmamahal ko kay Micheal. At ni minsan hindi ko inisip na hindi ko siya anak! Pero ang pagmamahal na pilit kong binubuo para sayo ay hinding hindi nabuo dahil sa loob ng walong taon hindi ka nagpakita ng dahilan para mahalin kita!
Hahayaan ko na kayong mag usap na dalawa!" sabi ni Harold bago tuluyang tumalikod at pumunta ng kwarto para kumuha ng iilang importanting gamit nito!
Pagbalik niya sa baba ay naka tayo parin si mia sa kinatatayuan niya kanina at tila tuliro na 'di alam kong anong gagawin! Tinungo ni Harold ang sasakyan nito na nasa garahe at nilagay ang ilang gamit niya!
Hanggang sa lalabas nalang si harold ng garahe ay para paring tuod si Mia at si Robert naman ay walang ekspresyon ang mukha na nakatingin sa kawalan, kailangan pa niyang iatras ang sasakyan ni Mia dahil hindi siya makalabas! Nanatili itong nakatayo at nakatingin sa kanya hanggang sa muli siya sumakay sa kanyang kotse.
Doon pq nagkalakas loob si Mia na magsalita ng nakita niya si Harold na aalis na!
"Harold! uras na umalis ka hinding hindi mo na makikita ang anak mo! pagbabanta ni Mia pero tila bingi na si Harold at hindi siya narinig! Pinaandar na ni Harold ang sasakyan niya at pinaharurot na ito palayo sa kanila!