Cathlene POV;
Araw ng lingo at nag palit kami ng day off ni Jene ako daw muna ngayon dahil sa huebes ay may lakad siya. siya ang mag daday off at pumayag ako dahil pabor sakin buong araw akong mkapagpahinga.
Pabangon ko mga alas 7 ng umaga ay nakaramdam agad ako ng paninilim ng paningin at nahihilo ako! "Baka gutom na to," sa isip ko kaya pinili kong tumayo para makpaghanda ng almusal ko, ng may kumatok sa pinto.
Pumunta ako sa pinto para buksan kahit na medyo hilo ako at nagulat ako sa di inaasahang tao!
"Fernan' ang aga mo naman...?" ng biglang nanilim ang paningin ko at huli kong naalala ay humawak ako sa balikat ni Fernan at inalalayan niya ako kaya sa bisig nita ako natumba. Ngayon nagising akong nasa hospital na!
"Miss kamusta nag pakiramdam mo?"tanong ng sa tingin ko ay nurse. dahil sa suot niyang uniform.
"Ok na ako, sinong nagdala sakin dito?" tanong ko pero hindi pa siya nakapagsalita ay agad ng niluwa ng pinto si Fernan na bakas ang pag aalala sa mukha at kasunod niya ang doctor!
"Congratulation Miss Sarmiento, you're 7 weeks pregnant." nakangiting bati ng doctor na siya namang kinatulala ko at si Fernan ay malungkot ang mukha na sa palagay ko alam na niya dahil siya ang kasama ng doctor pumasok!
"Doc' sigurado po kayo?"paniniguro ko kaya binigay sakin ng doctor ang ultrasound result! Kinuha ko iyon at ng binasa ko, kusang tumulo ang aking mga luha sa halo halong emosyon! Matutuwa ba ako, malulungkot o matatakot!
"Sege iha ipapadala ko nalang dito ang mg reseta ng vitamins mo at ang bill para mkauwi kana. Basta tandaan mo lang ha, ibayong pag iingat, maayos ang kapit ng baby mo pero mag ingat ka parin ang pagkkaahilo ay natural lamang kumain ka lang ng tamang pagkain" Turan ng doctor bago lumabas.
Nagkatinginan kami ni Fernan at tila nagpapakiramdaman kong sino nag unang magsasalita.
"Congrats Shine, magkakababy na kayo ni Harold!" pilit ngiti niyang pagbati sakin at tipid ko din siyang ngitian bago nag buntong hininga!
"Fer, pwedi bang sa'tin na muna 'to hindi ko pa alam paano sasabihin kila nanay at tatay ang lahat. Hindi pa ako nakatapos ng pag aaral ko." Pakiusap ko sa kanya habang hinahawakan ko ang kamay niya pero agad kong binitawan dahil sa di ko alam na dahilan parehas ng kay Harold ay ganon din ang pakiramdam ko ng mahawakan ko siya para akong nakukuryente na naghina at nag init ang pakiramdam ko!
"Hindi kita pangungunahan Shine, buhay mo yan, at disisyon mo yan' siguro naman hindi ka naman pababayaan ni Harold at pananagutan ka niya. Pero kong sakaling hindi nandito naman ako handa kang panagutan ka." Pabiro niyang turan na nagpatawa naman sakin.
" Salamat Huh, at dumating ka kanina kong hindi ay baka napano na ako at ang baby ko,'' sabi ko sabay hawak sa impis ko pang tiyan.
Galing pala ng simbahan si Fernan at dahil malapit lapit naman sa apartment ko ay dumaan siya kahit di siya sigurado kong nasa bahay ako o wala.
Naguguluhan man ay masaya ako at excited na magkakaanak na kami ni Harold. Inayos ni Fernan ang bill ko buti nalang at konti lang ang charge sa ultrasound at check up kaya nakayang abunuhan ni Fernan dahil may baon naman daw siyang allowance at 'yon muna ang pinambayad niya sa kulang-kulang dalawang libo na bill. Babayaran ko nalang pagdating sa bahay dahil may nakatago pa naman akong pera doon.
Pag uwi namin sa bahay ay agad ding umalis si Fernan, ayaw pa sana niya akong iwan pero tinawagan siya ng tiyuhin niya na may overtime delivery sila ngayon. Wala dapat sila trabaho pag linggo pero pag may nagpadeliver na emergency ay automatic whole day ang bayad sa mag dediliver at may allowance pa na 300. May pinuntahan daw ang tiyohin niya kaya siya nag napag utusan.
Ok n rin naman ako kaya pinaalis ko na siya at tinawagan ko si Harold na pumunta muna sa bahay. Excited na akong sabihin sa kanya ang lahat.
Sakto din dahil sabi niya pupunta naman daw talaga siya.
Sweethert..." masayang bungad sa ko sa kanya pagkapasok palang niya ng pinto. Hinalikan ko siya pero tila para siyang tuod na di gumagalaw!
"Sweet may sasabihin ako.." masaya kong sabi.
"Me too.. "sege mauna kana magsalita!" sagot lang niya. Pero dahil mukhang mas importante sa tingin ko ang sasabihin niya ay siya na ang pinauna kong magsalita.
Kayat lahat ng saya at excitement na nararamdaman ko kanina ay naglaho at para akong tinakpan ng langit at naipit sa lupa dahil sa tinuran niya. Makikipaghiwalay na siya sakin!
"Sweety , paano na ako? Paano ng baby natin? Lalaki' syang walang kikilalaning ama? Nangako ka sakin Harl, sabi mo, kahit anung mangyari dika mawawala, sabi mo mahal na mahal mo ako, kaya na man ako nagtiwala ng sobra sayo dahil sobra mong sweet sakin at hindi pweding hindi mo ako makita araw araw, kaya nga kahit na day off mo gumagawa ka ng paraan para mkapunta dito sa apartment at makasama ako! binigay ko sayo ang pinakainiingatan kong p********e dahil buong akala ko taotoo ka!
Pero ng ganito ka dali? ganito kadali sayong talikuran ako Harl?
"Buntis ka Cath? Buntis ka sweetheart?" gulat na tanong ni Harold!
"Yes , I'm 7weeks pregnant' , kagagaling ko lang sa hospital kanina ng tinawagan kita na pumunta dito. Nahilo ako at buti nalang dumating si Fernan kaya dinala niya ako sa doctor!Tamang tama dahil sabi mo din may sasabihin ka sakin, kaya ka pupunta. Diko lubos maisip, na ito pala yung sasabihin mo!! Balak mo palang totohanin ang plano mong paglayo sakin!" mangiyak ngiyak na tanong ko.
Paano na to? May sakit pa si papa, hindi ko alam anung gagawin ko, hindi pa ako nakatapos ng pag aaral ko nabuntis na ako!
Malaking kahihiyan sa pamilya ko at higit sa lahat alam mong pwedi akong itakwil ng mga magulang ko dahil sa tradisyong sinusunod ng pamilya namin! Na, uras na nakuha ng isang lalaki ang p********e mo dapat ka niyang panagutan!
Alam ko' may mali ako dahil alam ko na hindi mo ako pweding pakasalan dahil may asawa kana!
P-..Pero.... Hindi ko ginusto, 'Hindi ko sinadyang mahalin ka'. At diko napigilan ang sarili kong mahulog nag tuluyan sayo!" turan kong humahagolgol na!
"Sweetheart!" tanging nakalabas na mga salita kay Harold at di pa nawala ang pagkagulat sa mukha!
"Mahal na mahal kita Harl. Handa akong gawin lahat para lang hindi ka mawala sakin, samin ng baby natin. Please Harl handa akong tanggapin kahit konting uras mo lang at pagmamahal ang pwedi mong ibigay samin ng baby natin basta wag mo lang kami iwan. Hindi ko kakayanin to mag isa mahal ko."
Pagmamakaawa ni Cathlene sa lalaki habang humahagolgol ng iyak at nkaluhod sa sahig at hinang hina!!
Halos wala akong lakas na tumayo' dahil sa narinig kong sinabi niya na lalayo na sya!
''Oh' MyGod! anu to? Anu bang nagawa ko? bakit umabot sa ganito?"Pabulong na tanung ni Harold sa kanyang sarili sabay hilamos ng dalawang palad nya at ginulo pa nya ang kanyang buhok.
Lumuhod n rin sya sa sahig para magpantay kami at inalalayan nya akong umupo sa sofa. "Sssssshhhh.... Tama na, tama ng pag iyak mahal ko,
Pag usapan natin to okay?"
Pag aalo nya sa sakin sabay yakap.
"Pero sweet paano na? Paano ng mga pangarap ko? Paanu ko sasabihin sa mga magulang ko to? Ayaw kong mkadagdag sa dinaramdam ng aking ama! At ang laki din ng expectation nila sakin ayaw ko silang mabigo!
Nasa pangatlong taon palang ako sa agriculture course ko. At magtatapos palang ang ikatlong taon ko next month kasabay ng 19th birthday ko. Pero ganun paman hindi ko pinagsisisihan na nagbunga ang pagmamahalan natin. Kahit anung mangyari itutuloy ko to.. bahala ng mawala ang lahat sakin wag lang ang baby natin.. gagawin ko ang lahat para mailabas ko 'sya sa mundo at makita ka nya', tayo!''
"Yes sweety, yes.. pagtutulungan nating gawan ng paraan ang lahat." "Pangako gagawin ko lahat para maging maayos kayo ng magiging anak natin"
"I love you so much Cathy". Sabay yakap ng mahigpit ni Harold sa akin.
"I love you more sweetheart!
Ibig sabihin 'nyan di mo na ako iiwan?" paniniguro ko.
"Yes sweety hindi mahal ko,
naipit lang naman talaga ako at naisip ko na ito ang tama para sayo''.
"Pero hindi na pwedi, ngayong magkakaanak tayo hinding hindi kita pweding pabayaan,
Kayo ng magiging baby natin". pangako ni Harold.
Yakap yakap nya ang babae habang hinahaplos haplos ang buhok nito at nakaupo silang dalawa sa sofa. Napabuntong hininga na lamang si Harold dahil di niya alam ang gagawin 'nya ngayon, naguguluhan sya kong papaano 'nya ipagtatapat sa asawa na magkakaanak sya sa sa iba! Oh' kailangan pa ba ipaalam?
Author's note: sorry po kong medyo may error sa chapter na to, under editing pa po kasi dapat medyo may aayusin po ako sa mga first chapter pero pagnatapos ko po ang buong story pinapaangako ko na mas maayos na po siya basahin at hindi na magulo!
Ps: first story ko po ito kaya medyo naninibago pa salamat sa pag intindi at ipagpapasalamat ko oo kong e oa follow oo ninyo ako at ang iba ko pang estorya?