The preparation

1486 Words
CATHLENE SHINE POV; Dumaan ang mga araw at excited na ako sa birthday ng pinsan kong si Kristine, every time I go home I bring another ingredient for a carbonara. This is what I contribute to her. Now, it is two days to go. And I'm excited. I'm just got home lang din at inilalagay ko sa taas ng table ang mga ingredients ng carbonara saktong dumating din si Kristine galing radio station kong saan siya nagpa-part time as Dj. "Wow' huh, mukhang kumpleto na ang rekados natin sa favorite kong carbonara ah, hindi ka exited niyan insan? Ikaw ba ang magbi-birthday? Oh, baka excited ka kasi pupunta si papa Harold?" bungad niya sabay tawa ng malakas. "Ikaw ha, para sa iyo 'to tapos kong anu-anong sinasabi mo diyan e kong gusto mo 'di ko na lang 'to lutuin, ibalik ko sa store lahat ng pinamili ko!" inis na sagot ko. "Ito naman hindi na mabiro, sege ibalik mo 'yan wala kang maipapakain sa crush mo magugutom 'yon." "Birthday ko ba? 'Di ba't birthday mo, so, problema mo 'yon!" naka-pamaywang at naka-taas kilay kong sagot sa kaniya. "Pero pupunta si sir Harold dito dahil sa 'yo hindi dahil sa akin," sagot naman niya na naka-ngisi. "Hay bahala ka nga!" sabi ko sabay talikod! Pumasok na lang ako ng kwarto kasi sigurado aasarin lang niya ako. The days passed and it was Saturday. Fortunately, I didn't go to school and I also took a day off at the supermarket. I exchanged a day off with my friend Jene, it was supposed to be Thursday, but I asked her to exchange us for a day off because her day off is saturday. I woke up earlay, 'di na kasi ako makatulog, parang ako ang may birthday dahil sa excitement na nararamdaman ko. I clean up the apartment while Cristine is still sleeping, ako kumukuskos na sa lababo, nag map ng sahig naglinis ng cr pinalitan ko na pati kurtina. 'Di naman ganon ka dumi ang bahay kasi parehas naman kaming masinop na dalawa. Kakatapos ko lang sa ginagawa ko at nagkakape ng may nag message sa akin from unknown number. Binuksan ko ang message at para akong estatwang nakatingin sa cp ng makita ko kong sino ang nagtxt. "Saan niya nakuha ang number ko?" bulong ko pa at kinikilig pero wala namang nakakakilig sa txt niya eh kong tutuusin. "Hi goodmorning Cath, please just wish me a happy birthday to your cousin. And I would like to ask what is a good gift for her? Can you give me some idea, Harold here." Hindi ako naka reply kaagad kasi na blanko ako ng may nag message ulit. "I remember you said, she's a radio broadcaster and and a DJ what if i give her a headphone?" Doon na ako bumalik sa katinuan at nakanisip mag reply. "Hi sir good morning din po, sorry medyo busy late reply, 'wag niyo na alalahanin tong pinsan ko sir matanda na ito para sa regalo," sabi ko pa sa txt. "Ok lang 'yon minsan lang naman 'yan t'saka kakahiya rin inimbitahan pa talaga ako kahit bago lang kami nagkakilala." "Ok hmmm ikaw pong bahala sir," reply ko. "Sege Cath see you later.. bye." Magrereply pa sana ako at tatanungin siya kung saan niya nakuha number ko kaso nag b-bye na kaya mamaya na lang. "Good morning Insan happy birthday," bungad ko kay Kristine na kakalabas lang ng kwarto. "Wow fresh ng morning ha, laki ng ngiti, at hmmm... Hindi ka excited noh? Kasi mukhang ang aga mo naglinis?" tanong niya habang nagtitimpla na rin ng kape. "Naman Insan, alangan naman ikaw pa ang maglilinis eh birthday mo nga 'di ba? Bawi ka na lang bukas sa 'yo lahat ng linisin," biro ko pa. "Ah siya nga pala insan, happy birthday daw sabi ni sir Harold nagtext ngayon-ngayon lang." "Ah kaya pala... Kaya pala kiaga-aga abot tenga ang ngiti nagtxt lang naman pala si papa Harold," banat niya sa malanding boses. "Hay ewan ko sa 'yo, kiaga-aga ako na naman ang napagtripan mo. Pero nagtaka lan ako, saan kaya ni sir Harold nakuha number ko eh 'di naman niya hiningi 'yon sa akin." "Ah... eh... kasi insan, hindi ko pala nasabi sa iyo. Nagkasalubong kasi kami ni sir Harold noong isang araw sa bookstore ng may binili akong gamit para sa project ko kasama ko pa nga boyfriend ko. Tapos ayon sabi dapat talaga hindi siya mawala sa birthday ko at umuo naman, kaya binigay ko number mo para kako etxt ka na lang kapag papunta na siya." "Number ko? Bakit hindi na lanh ang sa iyo? Ikaw ang may birthday eh." Kunwari ko pang pag protesta. Number ko na man dapat ibibigay ko, kaso baka makimutan kong may bf ako sakaling magtext si sir gawin ko pa siyang textmate." Natatawa niyang sabi. "Okay, ikaw talaga insan puro ka kalukuhan," sagot ko na lang. Maya- maya pa ay dumating na ang boyfriend niya para sunduin siya. Sasamahan kasi siya nito na mamili ng kakailanganing mga sangkap para sa lulutuin nila. Nang umalis na sila ako naman ay nagluto na muna ng pagkain, medyo nagutom na kasi ako. Gumawa na lang ako ng egg omelet tapos nag sangag ng kaning tira pa kagabi. Pagkatapos kong kumain ay naglaba ako at niluto ko na ang carbonara. Namana ko pa ang recipe nito sa aking ama. Nakatapos na akong magluto ng dumating din sila Kristine. Pumasok na rin ako ng kwarto at tumitingin ako ng susuotin ko sa aparador ko. Awkward din kasi tumambay sa sala nandoon sa kusina si Kristine at bf niya katabi lang ng sala naglalandian habang nagluluto sila ng Kaldereta at bopis tapos fruit salad. Binilhan din siya ng cake ng boyfriend niya tapos my bouquet pa. Kainggit nga eh hindi ko pa kasi naranasan makatanggap ni isang pirasong bulaklak kahit na gumamela lang sana. Ayaw ko naman kasi magpa-ligaw kaya siguro wala nag-aksaya. Humilata ako sa kama habang hawak ko yung dress na floral black, simple lang at abot hanggang tuhod pero medyo fitted at hapit ang baywang ko at kitang-kita ang kurba ko. Hanggan kalahating braso ang manggas at my butones sa harap hanggang tiyan tapos di naman open ang dibdib sakto lang. "Oh tapos na kayong magluto?" bungad ko ky Kristine ng pumasok siya ng kwarto. "Oo tapos na, ang bilis ba naman kumilos ni chief eh," sabi niya na tinutukoy ang bf niya. "Ayon nagsasaing na lang alas singko pa lang naman. Maliligo muna ako insan para maka bihis na din," dagdag pa niya. Habang nilalapag sa higaan ang kinuha niyang damit sa aparador na red dress abot hanggang tuhod niya din. Mas sexy nga lang 'yong sa kaniya dahil medyo labas ang dibdib nito at sleveless. "Wow! ganda mo riyan insan," sabi ko pa. "Nemen, birthday ko yata. Sege maligo na ako." Sabi niya bago tinungo na ang banyo. Nagbihis na rin ako hanggang sa gumabi na. Alas syete na ng dumating ang dalawa niyang kasama sa radio station, isang bakla at babe kaya ang ingay na sa sala. 'Yong dalawang kaklase naman niya na mukhang magka-sintahan ay dumating na rin, may dalang dalawang lechon manok. Nagku-kwentuhan sila sa sala habang nagsimula ng uminom nang beer na dala naman ng kasama ni insan sa radio station. Nakikitawa lang ako sa kanila pero hindi ako uminom dahil hihihintay ko nga si sir Harold. Hanggang sa nag-text na siya. Sinabi niya na na darating na siya after 30 minutes. Tiningnan kong oras at alas syete bente na, nag umpisa na rin magsandok ng pagkain ang ibang bisita ni insan wala na sa ayos, kasi ayaw na man niya na magpakanta ng happy birthday bago kumain ni wala na nga prayer o blowing ng candle kasi pambata lang daw 'yon kaya kanya-kanyang sandok at kain na. "Insan kain ka na," tawag sa akin ng boyfriend ni Kristine. Kong maka-insan parang sila talaga magkakatuluyan. "Ok lang ako, maya-maya na," sagot ko. "Naku bf wag mo na muna pakainin iyan at may hinihintay pa 'yan," sabi naman ni Kristine sabay tawa nilang dalawa kaya inirapan ko na lamang sila habang nakikinig ako sa baklang kumakanta. My dala kasi silang mallit na dvd player at kinonnect nila sa mini speaker. Tama lang na hindi naman nakakabulahaw ang lakas. Maganda ang boses ni bakla kaya naaliw ako. Hanggang sa lumipas ang ilang sandali at nag-text na si sir Harold. "Hi Cath, I'll be there in five minutes." Hindi na ako nag abalang mag-reply, pumasok na ako sa kwarto at naglagay ng liptint na strawberry flavor at face poweder, natural naman na nagba-blush ang mukha ko kahit 'di ako kaputian kaya hindi na kailangan ng blush on. Sinilip ko muli sarili ko sa salamin, umikot bago habang tinitingnan ko ang aking sarili pagkatapos lumabas na akao ng kwarto at dumeretso na ako sa labas ng bahay at nag-abang sa gate. Kinakabahan na ako na excited!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD