Mabilis na lumipas ang panahon at kahit paano ay hindi ko na gaanong naa alala si Harold not when Luna is not around, dahil habang lumalaki siya ay nakukuha niya ang mukha ng kaniyang ama. She's the girl version of Harold at hindi maipag kakailang mag ama-sila. "Kong sana, buhay ka pa at nandito lang sweetheart alam ko magiging masaya ka na makikita ang paglaki ng anak natin na kamukhang kamukha mo." Bulong ko sa hangin isang gabi na naalala ko siya habang nakatingin ako sa langit. Nasa labas kasi ako ng bahay sa maliit na veranda. Kakatapos lang umulan noon at hindi ako makatulog kaya lumabas ako ng kwarto matapos kong kinumutan si Luna. Tulog na tulog na ang mga kasama ko dito sa bahay, si clint na nasa sala parin natutulog ay humihilik pa. Nandito na rin ang kapatid kong si Cassey da

