Ilang sandaling natulala ang dalaga sa sinabi ng batang lalaki. Luminga-linga siya sa paligid ngunit walang kahit anong pamilyar na bulto ang kaniyang nakita. All was peaceful and having their great time. Wala itong mga pakialam sa nangyayari sa paligid. Siya lang. Pagkatapos ng ilang sandali ay napahinga ng malalim ang dalaga. She shrugged the thought off. She shouldn't act that way. Hindi na dapat. Nang tingnan niya ang bata ay napapakamot pa ito sa ulo na tila ba nahihiya habang may munting ngiti sa labi. "What?" tanong niya dito. "Ang ganda mo po, Miss. Kras na kita, I lab yow!" sagot nito na may kasama pang pag-nguso. Arruba smiled. She touched the kid's face. Sadyang napakapayapa ng hitsura nito. Napakainosente. How she wished every kid live carefree and happy. Walang inii

