Callen is sitting proudly on his swivel chair. Kakatapos niya lang dumalo sa isang presscon ng isang malaking publication sa buong Germany. Napagod siya dahil doon ngunit gumaan kaagad ang kaniyang pakiramdam sa kaalamang laman siya ng balita sa buong Berlin. Lahat ng malalaking pangalan sa Germany ay iniimbitahan siya sa isang party. Pribado man o publiko. Pero ang mas nagpasaya sa kaniya ay ang pangunguna sa shares at stocks ng Müller Company sa tulong na rin ni Andrius at ng abogado nito. “What's your next plan, Master?” Mula sa pagtanaw sa kawalan ay ibinaling ng binata ang paningin sa butler na nakatayo sa gitna ng kaniyang opisina. Pormal na pormal ang hitsura nito na naka-Amerikana kasama ang isa pa niyang butler. "Did Monterio called?" bagkus ay tanong ng binata. "No, Maste

