VICTORIA February 12, 2022 Davao City LUMABAS si Tito Daniel ng kusina, hawak ang isang mangkok na puno ng nagayat at nahiwang iba't ibang klase ng prutas. Mula sa icon sa ibabang bahagi ng screen ng phone ni Victoria, pinindot niya ang live stream na nakukuhanan ng camera'ng nasa estante. Ang estante roon sa salas. Sa pang-isahang sofa, doon pumuwesto si Tito Daniel. Ang ama ni Anne ay nakahiga sa mahabang upuan. Nang mailagay ni Tito Daniel ang mangkok sa coffee table, agad na dumakma ang ama ni Anne ng ilang hiwa ng prutas Tahimik ang mga itong nanood ng palabas sa telebisyon — tulad ng pang-araw-araw na buhay ni Tito Daniel mula nang makalabas ito ng ospital. Retired police na ang ama ni Anne kaya noon pa mang bago ma-discharge ng ospital si Daniel, nagpresinta na ito na samah

