KAIRO November 12, 2021 (Now) Abu Dhabi, KaiDa Beach Club Everybody in the conventional hall was having a great time. Everyone was smiling, enjoying their glass of champagne. Akma ang masayang aura ng bawat tao sa up-beat song na pumapailanlang sa lugar kahit hindi pa nag-uumpisa ang party. Kahit ang mga kasama niya sa mesa — ang ilan sa mga Board of Directors na dumalo — ay nagsasaya kahit paano. Aside from Kairo. At inggit na inggit siya. Nais niya ring mag-enjoy pero sadyang malupit ang tadhana. Kanina pa kasi nagba-vibrate sa bulsa ang personal phone niya. Bumununtong-hininga si Kairo. Ang pagtitikis na kanina pa niya ginagawa, nauwi sa madaliang paghugot ng phone mula sa kanyang bulsa. Inaasahan na niyang numero ni Riveriya ang makikita niya sa screen. Tumatawag ito. Bago pa man

