KAIRO December 28, 2021 KaiDa Hotel, Tagum City "MOM." Ang nag-iisang salitang iyon ang tanging nagawa niyang isatinig. He should ask Riveriya further. He should pull her out of the stage first. Those were the things he planned to do but his body seemed to be shut down for a moment --- literally. Ni hindi niya magawang pansinin pa ang mga taong naroroon, maging ang bulong-bulongan na umaalingawngaw sa buong venue. Nang kusang tumuon ang paningin niya sa gawi ni Ary, laking pagsisisi ni Kairo kung bakit hindi niya ginawa ang mga pinagplanuhan niyang iyon; the pain in her eyes struck him three times. It struck him again once more when Ary walked out. Akmang ibubuka niya ang bibig upang tawagin sana ang babae, akmang ihahabakbang din niya ang mga paa upang sundan ito. Hindi natuloy. Na

