PROLOGUE

270 Words
“For 1 Billion Dollars, please be my wife.”   Kumunot ang noo ni Alicia Mercedes matapos n`yang marinig ang mga salitang iyon mula sa bibig ni Yashiro Aihara. Laking pasasalamat lang n`ya at konti lang ang tao sa restaurant na nakakarinig sa kanila ngayon dahil baka ay nilamon na s`ya ng lupa sa kahihiyan dahil sa pinaggagagawa ni Yashiro ngayon sa harap n`ya.   Ano ang gagawin mo kung may isang taong mag-aalok sa`yo ng napakalaking halaga para lang maging asawa n`ya? Sa kaso ngayon ni Alicia Mercedes ay hindi n`ya alam ang posibleng iisipin o gagawin. Alukin ba naman s`ya ng isa sa mga customer nilang nagngangalang Yashiro Aihara, anak ng may-ari ng isa sa pinakamalaking kompanya sa Japan at nag-iisang heredero ng nasabing kompanya, ng kasal. Sa kaso nga lang n`ya ay hindi singsing ang nagging paraan ng proposal nito kundi isang bank cheque na nagkakahalaga ng isang bilyong dolyar. Hindi lang rin n`ya basta-bastang customer ang lalaki kundi naging schoolmate n`ya ito nung high school.   Isang pagak na tawa ang pinakawalan ni Alicia bago magsalita. “Nababaliw ka na ba, Hiro? Ikaw? Aalukin mo ako ng kasal? Gusto mo ako maging asawa? Naka-droga ka ba?” Ngunit natigilan si Alicia nung makita kung ganoo ka-seryoso ang ekspresyon ng mukha ni Yashiro. “I do not kid, Alice. For 1 Billion Dollars, please be my wife.”    Ano na ang gagawin ni Alicia gayong ang lalaking nag-aalok sa kanya na s`ya`y maging asawa ay ang lalaking nag-reject mismo sa kanya siyam na taon na ang nakakaraan?   Paano ba nagsimula ang lahat at napunta sila sa sitwasyon na ito?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD