" Akala ko hindi ka na darating bro?! " Tanong ko sa aking pinsan na hindi ako pinapansin na diretso kuha ng baso at nagsalin ng alak. " Mukha kang baliw Liam, abogago talaga dating mo! Nanalamin ka ba bago ka umalis ng bahay nyo? " Tanong nito sa akin na may pag suyod ng tingin sa kabuohan ko. Tiningnan ko ang aking sarili, tama nga necktie ko walang ayos dahil niluwagan ko kanina pa sa opisina, buhok ko hindi ko na blower at na wax, mukha nga akong ewan! Napangisi ako at sumumsim ng alak sabay tingin muli sa aking kaibigan na pinsan. " Lahi tayo ng magandang lalaki bro. Kahit nakasuot tayo ng basahan aakalain nila new fashion trends 'yon. " Nakangiti na sabi ko sabay hawi ng buhok at kagat sa labi, natawa ako ng ngumiwe ito sa akin. " Tang*na direng-dire ka ah! Alalahanin mo magka

