Hindi mabura sa isip ko ang nangyari sa nakaraan, ang bangungot na pilit ko mang kalimutan ay hindi ko magawa. Naramdaman ko nanaman ang sakit, hanggang sa namalayan ko na nanginginig na ang aking katawan. Bumaba ako ng kama at nakita ko sa gilid ang aparador na malaki, naupo ako sa gilid at niyakap ang aking tuhod na nakatupi na ngayon. " Takbo anak! Huwag kang hihinto anak takboooooo!!!! " Parang naririnig ko ang sigaw ni Nanay. Nakikita ko ang mukha niya na lumuluha at ang bibig niya na sumusuka ng dugo. Kung paano siya kaladkarin ng lalaking … " Lianna?, bakit nandiyan ka? " Tanong ni Uncle na hindi ko pinansin, takip ko ang aking temga at ayaw ko makarinig ng boses ng lalaki. Natatakot ako. " Si Uncle Sean mo 'to baby Lianna, open your eyes please, look at me! Look at me baby. "

