Para saan pa at umuwi ako ng bansa kung wala na din naman akong babalikan. Nakakatawa lang isipin, na ang dating mata ni Kiram na puno ng emosyon ngayon ay nagyeyelo na habang umiiling sa tanong ko kung mahal pa ba ako. Itinaas ko ang aking mukha para pigilan ang nagbabadyang pagpatak ng aking luha. Naupo ako sa bakal na silya sa labas ng aming bahay. Tanging katiwala lang ng aming pamilya ang nandito, ang nag iisa nilang anak at si Tita Jona kasama ang kanyang asawa na si Tito Ramon. Parang ngayon ko lang naramdaman ang pagod, kahapon pagkatapos ko malaman ang balita na ikakasal na si Kiram ay kaagad akong magpa book ng flight. Hindi ko akalain na ganito lang ang mangyayari, babalik ako ng luhaan. Hawak ko ang aking cellphone at tinawagan ang aking ama na si Dada Sean. "Yes, honey?." "

