" Liam, parating dito sila Mom at Daddy pag-uusapan daw ang kasal natin. " Tinitigan ko lang ang babae at hindi na ako umimik pa, ako ang pagdedesisyon sa lahat hindi sila, una halos kalahati ng negosyo nila bumagsak na, kaya nagmamadali ng kasal akala siguro tanga ako, para saan pa at naging abogado ako kung ako mismo mapapaikot nila?. " Papuntahin mo, pero pauwiin mo kaagad. Hindi ako kumportable ng may ibang tao dito. " " Pero. " Hindi na natuloy ng babae ang kanyang sasabihin dahil tinalikuran ko na ito, sila nagsimula nito kaya makikita nila kung paano ako makipaglaro. Naglakad na ako patungo sa aking opisina at ni review ang ilang papeles, kailangan naaayon sa batas ang lahat. Mabilis lumipas ang oras at gabihan na , kakatapos lang tumawag sa akin ni Nanay Sonia, nasa baba na da

