Kinuha ko ang kumot at pilit inabot dahil pumasok na ang malamig na hangin mula sa bintana, hindi ko alam kung ano ang pinag dadaanan ng aking kaibigan na pinsan din. Malayo ang tingin nito at napa buntong hininga pa. Dahil sa pagod kanina ay ipinikit ko na ang aking mga mata, bukas ko na lang ito kakausapin, hindi ko na talaga kaya ngayon, salamat na din at sa pagdating ni Liam, kumalma ang alaga ko. " Tang*na mo bro! Tutulogan mo talaga ako?, broken hearted ako kaya damayan mo akong uminom! " " Inaantok ako Liam, hindi na bo-broken ang mga babaero! Huwag mo akong pinag lololoko dahil marami kang reserba dyan. " Nakapikit na sabi ko sa lalaki, alam ko at ramdam ko na may problema ito, gusto ko lang siya mag kwento kaya inaasar ko. Napa-iling na lang ako ng tahimik na lumabas ito ng ak

