Sa isang restaurant sila sa tabi ng highway kumain. Hindi nito inaalis ang tingin sa kanya at may bahid ng lungkot ang mga mata nito. “Ano nang nangyari sa iyo?” tanong nito. “Naikwento sa akin ni Tita Serafina ang nangyari.” “Komplikado ang buhay ko ngayon.” Pinagdikit niya ang labi niya. “Siguro naiintindihan mo kung bakit kinailangan kitang tanggihan dati. Madidismaya ka lang sa akin." Mataas ang tingin sa kanya ni Vernel. Hindi niya alam kung gaano karami ang nalalaman nito pero nasisiguro niyang anumang paghanga at pagmamahal nito ay nawala na. "Ang sabi sa akin ni Tito Teodicio, pinili mo ang ama ng anak mo. Pakakasalan ka ba niya? Ni hindi ka nga niya maipakilala sa mga tao bilang ina ng anak niya." Parang may tumusok na kutsilyo sa dibdib niya sa sinabi nito. Wala naman siyang

