Chapter 17

2382 Words

Takam na takam si Warrick habang kumakain ng mangga at bagoong at binabasa ang updates ng mga report sa kanya na ipina-email niya. Hinihintay niya si Chrystler para sa weekly meeting nila. Seryoso ang isyu na kailangan nilang pag-usapan lalo na’t hindi maganda ang nararamdaman niya nitong nakakaraang araw. Lalo na sa araw na iyon. Pakiramdam niya ay mamamatay na siya kaninang umaga. Pumunta siya sa doktor at dumaan sa maraming tests. So far ay negative ang resulta. Hindi rin daw maintindihan ng mga ito kung anong problema niya. Maganda naman ang pakiramdam niya nang hapon na pero pinili niyang sa bahay na lang magtrabaho. “Feeling better?” tanong ni Louvre nang dumating. “Nagpa-check up ka na ba sa doktor? Is it a flu virus or something?” Umiling siya at sumubo ulit ng manggang hilaw.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD