MAYOR ANDREW POV: "Congressman, ano po ang atin?" tanong ko kay congressman Vustamante. Ka-alyado ko s'ya. Pero ilag ako sa isang ito. May naririnig din akong mga anomalya na ginagawa n'ya. Pero hindi ako nagsasalita kay Governor Elizalde. Mas mabuti na s'ya ang maka-alam ng ginawa ng mga nakaupo sa p'westo. "Kumusta, Mayor Andrew!" "Maayos naman po,".magalang na sagot ko dito. "P'wede ba na makausap kita na tayong dalawa lang muna." Sumenyas ako sa aking mga tauhan at maging kay Venice na nandito din at nagmamasid. Sumunod naman ang mga ito sa akin. Nang makalabas sila ay bumaling ako kay congressman. Hindi ito pupunta dito ng walang kailangan. "Bakit itinuloy mo pa din ang kandidatura mo?" "Ilang beses ko ba na kailangan sagutin ang tanong mo Congressman? Alam mo na paulit-uli

