"Sir, aalis ka na po agad?"tanong ni Manang kay Andrew. Agad n'ya itong nilapitan ng makita n'yang pababa ito sa hagdan. Alas kwatro pa lamang ng madaling. At halos hindi din ito nakatulog. Dahil kinausap n'ya muna si Jamie na nakatulog na Lang sa kakaiyak. "Opo,kayo na muna ang bahala sa mansyon." "Sir Andrew, hindi naman po sa nanghihimasok ako sa buhay n'yo. Pero ano po ba ang problema?" "Walang problema. Sad'yang busy lang ako sa trabaho.' Sagot ni Andrew na mas pinili nito na h'wag na muna ditong ipaalam ang nangyayare at ang mga nalaman n'ya. "Sir, ramdam ko na may mas malalim pa na dahilan kung bakit parang ang lamig ng pakikitungo mo kay Ma'am Jamie." "Aalis na ho ako. Kayo na lang ang bahalang magsabi sa kan'ya na umalis na ako." "Uuwi ba kayo mamaya?" Dugtong pang tanon

