"Okay ba sa akin? Hindi ba panget tingnan? Nahihiya kasi ako." tanong ko pa kay Aya. "Tanggalin mo nga ang kamay mo. Bakit mo naman tinatakpan ang napakagandang view." saway pa nito sa akin. Dahil ang aking mga kamay ay nakatakip sa ibabang parte ko. Hindi talaga kasi ako sanay sa ganito. "Nahihiya ako." muli ko pang sabi. "Ang ganda kaya. Mas maganda pa ang katawan mo sa akin!" Napasigaw pa ito habang nagsasalita. "Nambola ka pa d'yan!" "Halika nga dito," sabi nito at hinatak ang aking kamay. Dinala ako nito sa salamin na kitang-kita ang aking buong katawan. "Tingnan mo ang sarili mo! Anong ikinakahiya mo sa gan'yan kaganda na katawan?" "Hindi ko naman masasabi na maganda ang katawan ko. Ang payat ko kaya." "Hindi ka payat. Perfect ang body mo. Partida wala ka pang exercise.

