JAMIE's POV: Naalimpungatan ako. Dahil sa may humahalik sa pisngi. Iminulat ko ang aking mga mata at si Akhie pala ang humahalik. Napangiti na lamang ako. Kahit na ramdam ko ang kirot ng aking ulo. Napadami ata ang inom ko kagabi. Inalala ko ang mga kaganapan kagabi at huling naalala ko ay binuhat na ako ni sir Mayor. Wala na akong maalala bukod doon. "Good morning my boy." pagbati ko dito. Ngumiti naman ito at hinawakan ang aking kamay. Hindi ko pinaparamdam sa kan'ya na masama ang aking pakiramdam. Alam ko kasing mag-alala lamang ito sa akin. Katatapos lang ng birthday nito at sobrang saya ko na naibigay ko ang kasiyahan na nais nito. Kinuha nito ang kan'yang sketch pad na may nakasulat na I love you mommy. Palagi n'ya itong ipinapabasa sa akin. Kung pwede lang na hindi na ako umalis

