Ilang araw din ang lumipas. At heto na ang pinaka hinihintay na araw ni Marbert. Hinihintay n'ya ang agaran na resulta ng DNA nila ng ni Jamie. "Ito na ang resulta." "Salamat kaibigan," "Buksan mo." Tinitigan ni Marbert ang brown envelope na ibinigay sa kan'ya ng kaibigan na doktor na s'yang nagsagawa ng DNA test para sa kanila ni Jamie na hindi alam ng kan'yang asawa. Gus'to n'ya muna na makasigurado. Dahan-dahan n'ya itong binuksan at ang kaba ay hindi na tumigil. Kanina pa s'ya kabado. Bago umalis ng mansyon ni Andrew. Nang makita nito ang kabuoan ng laman ng envelope ay sa ibabang parte agad s'ya nagbasa. At 99.9 percent na matched ang DNA nila ng dalaga. "Positive!" "Sino si Jamie?" Sunod-sunod na tanong pa ng kan'yang kaibigan na si Dr. Javier Segovia. "Anak ko nga s'ya

